Facebook

3 patay sa madugong drug ops sa Cotabato

TATLO ang patay at apat ang naaresto sa anti-illegal drug operation sa Cotabato City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Motalib Sanday Sumurang aka Abdul Ali Duluan/Uting, Benjie Villanueva Fortich, at Saidamen Sumurang Kasanguan aka Dats Duluan.
Ang apat namang naaresto ay mga residente ng Purok Paraiso, Barangay Rosary Heights 7 ng naturang lungsod.
Nakatakas naman ang kanilang lider na kinilalang si Gino Sansaluna.
Ayon kay Cotabato City Police Director, Colonel Rommel Javier, nagsagawa ng drug buybust operation ang Police Station 2 katuwang ang mga tauhan ng CPDEU, RACU-15, RHPU BAR, Task Force Kutawato at PDEA BARMM sa Purok Paraiso Brgy RH-7 ng lungsod matapos makatanggap ng info sa operasyon ng drugden .
Natunugan ng grupo ni Sansaluna na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya nagkaputukan na nagresulta ng pagkasawi ng tatlo at pagkahuli sa apat na drug personalities.

The post 3 patay sa madugong drug ops sa Cotabato appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 patay sa madugong drug ops sa Cotabato 3 patay sa madugong drug ops sa Cotabato Reviewed by misfitgympal on Abril 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.