NAGA CITY – Naalarma ang mismong alkalde ng bayan ng Baao, Camarines Sur sa magkakasunod na pagpapakamatay ng apat na kanataan kabilang ang tatlong senior high school students.
Ayon kay Baao Mayor Jeff Besinio, nangyari ang mag-kakasunod na insidente sa Barangay Agdangan ng kanilang bayan.
Ayon kay Besinio, 10 itong magkakaibigan at tatlo sa mga ito ang nagpakamatay.
Kaugnay nito, mahigpit na pinababantayan ng alklade ang pito pang kabataan na kasama ng mga unang nagpakamatay sa pangambang sumunod rin ang mga ito.
Bagama’t sinasabing dahil sa lovelife at module ang dahilan ng mga biktima, iniimbestiga-han at tinitingnan ang iba pang posibleng anggulo sa pangyayari.
Dahil sa naturang insidente ay isinailalim sa counseling ang pitong magkakaibigan kasabay narin ang pagkikipag-usap sa mga magulang ng mga ito.
Ayon kay Mayor Besinio, ipinatawag na ang mga ito para sa mental health program na binuo mismo ng lokal na gob-yerno upang mabigyang pansin ang mga estudyanteng nasa kaparehas na sitwasyon.
Samantala, isang 38-anyos na lalaki ang nagsaksak ng kanyang sarili nang makipag-hiwalay ang kanyang nobya mula rin sa naturang bayan.
Habang noong nakaraang linggo ay isa pang menor de edad ang nagtangka ring magpakamatay ngunit maswerte na naputol ang lubid na ginamit nito sa pagbigti.
The post 3 sa 10 estudyante nagpakamatay dahil sa lovelife at module appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: