NASALI na naman sa kontrobersiya si Samar 1st District Representative Edgar Mary Sarmiento ukol sa “pagpatay” kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino.
Si Aquino at dalawa nitong kasama ay nasawi noong Marso 8 sa Calbayog City.
Si Sarmiento naman ay inakusahan ng netizens ng pamumulitika nang sadyang idaan ang prusisyon ng bangkay ni Aquino sa Catbalogan City upang galitin ang kanyang mga kaaway sa pulitika.
Kamakailan, naging panauhin si Sarmiento sa web news program na “Usapang Tito: ‘WAG PO” kungsaan siya ay tinanong ukol sa pagpatay kina Mayor Aquino at kay Calbayog City Mayor Reynaldo Uy noong 2011.
Biglang nasabi ni Sarmiento sa programa na, “Yung mayor na pinatay namin e nung 2011 si mayor … 2011 ang nangyari.”
Ang kopya ng video ay pinost sa “Resibo De Calbayog” page sa Facebook at umani ng mahigit 600 komento kabilang ang madaming pagpuna sa sinabi ni Sarmiento.
Ayon kay Sarmiento, ang kanyang sinabi sa video ay ginamitan ng “editing” pero marami ang nagsabi na talagang narinig nila na sinabi niyang “pinatay namin.”
Bago ito, umani ng batikos si Sarmiento mula sa netizens na nagsabing pinulitika niya ang libing ni Mayor Aquino.
Isa sa mga tumuligsa sa kanya ay ang ‘Pinoy Aksyon for Governance and the Environment’ (Pinoy Aksyon) na nagsabing ang ginawa ni Sarmiento na pagparada sa bangkay ni Aquino sa Catbalogan City ay hindi makakatulong sa pagresolba sa krimen.
Dadgag ng Pinoy Aksyon na mali ang ginawa ni Sarmiento at sinabing naintindihan nila ang hinaing ng mga taga-Catbalogan na naugnay sa pagpatay sa mayor.
The post ‘Yung mayor na pinatay namin’ video ni Cong. Sarmiento naging viral appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: