MINABUTI ng isang dating mamamahayag na sa loob ng kanyang kotse mamalagi habang dumaranas ng sakit na Covid-19 (coronavirus disease) sa Quezon city.
Kinilala ang nasawi na si Lyle Parreño, 60 anyos, dating editor ng ABS-CBN.
Ayon sa matalik nitong kaibigan na si Aris Iligan, tumawag pa sa kanyan si Parreño at nagsabing ‘wag siyang alalahanin dahil ok naman siya.
Kinabukasan, nanghingi pa ito ng load kaya agad niyang pinadala.
Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ng masamang balita si Aris na natagpuan si Lyle na nasa loob ng SUV at hinang hina na.
Sa report, March 19 nang malamang may Covid-19 si Parreño.
Ayon kayPolice BGen. Ildebrandi Usana, PNP PIO chief, mayroon siyang nakita sa kanyang bintana na 2 naka-PPE-clad na may inaasistihang lalaking naka-jacket na inilalabas nila sa loob ng SUV, na tila hinang-hina na at isinakay ng ambulansiya.
Aniya, hindi niya alam na si Parreño na pala ito.
Ayon sa anak nito, hindi na umuwi si Parreño sa kanilang bahay ng malamang positibo ito sa Covid-19.
Anila, maaaring dahil sa intensiyon na hindi na makahawa pa lalo na sa kaniyang pamilya kaya minabuti nitong i-isolate ang sarili sa loob ng kanyang sasakyan.
March 28 kailangang ilipat si Parreño dahil lumalala ang sitwasyon hanggang sa nagka-cardiac arrest na ito at hindi na nakuhang ma-revive.
The post Ex-mediamen nag-isolate sa sasakyan nang magka-Covid, patay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: