Facebook

Pasyente nagwala: 2 nurses, 1 sekyu sugatan

KASALUKUYANG naka-confine ang dalawang nurse at isang security guard sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital nang masugatan sa pagwawala ng isang pasyente Huwebes ng umaga sa Kalibo, Aklan.
Ayon kay Police Lt. Colonel Belshazzar Villanoche, iniimbestigahan pa ng mga pulis kung ano ang dahilan ng pagwawala ng pasyente na si Roberto Gregorio.
Ginamit ni Gregorio ang isang PVC pipe para ipanghambalos sa mga biktima.
Dinala sa hospital si Gregorio may isang linggo na ang nakararaan nang maging biktima ng pananaga sa bayan ng Altavas.
Pahayag ni Villanoche, inawat lamang ng mga biktima ang pasyente dahil sa pagwawala nito.
Bukod sa panghambalos ng PVC pipe, nagawa rin ni Gregorio na kagatin sa balikat ang guwardiya.

The post Pasyente nagwala: 2 nurses, 1 sekyu sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pasyente nagwala: 2 nurses, 1 sekyu sugatan Pasyente nagwala: 2 nurses, 1 sekyu sugatan Reviewed by misfitgympal on Abril 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.