Facebook

Bangkay ng OFW na tinangka ibenta ang internal organs sa Kuwait, balik-Pinas na

NAKATAKDA nang dumating sa bansa ang bangkay ng isang OFW na namatay sa Kuwait matapos ang ilang araw na nasa “brain dead” condition sa isang ospital doon.
Ito ang kinumpirma ni Ian Tugade De Leon, anak ng nasawi na si Emily Tugade De Leon na residente ng President Quirino, Sultan Kudarat at 12 taon na nagtrabaho sa kanyang mga employer sa Kuwait.
Ayon kay Ian, nakatakdang dumating sa General Santos City Airport ang bangkay ng kanyang ina sa Abril 12, 2021.
Matatandaan na sa loob ng 12 taon ay hindi manlang nakauwi sa bansa ang kanyang ina hanggang nakaranas ng pananakit ng ulo at nagkaroon ng blood clot sa utak.
Isinailalim pa ito sa operasyon sa ospital sa Kuwait ngunit hindi naka-survive at naging “brain dead” sa loob ng ilang araw.
Naranasan pa ng pamilya na ma-blackmail dahil nais ng ospital na ibenta ang ibang internal organs nito. Ngunit hindi pumayag ang pamilya kaya’t makakauwi na kumpleto ang bangkay ni Emily sa bansa sa darating na Lunes.
Ididiritso ang labi ni Emily sa kanilang tahanan sa President Quirino.

The post Bangkay ng OFW na tinangka ibenta ang internal organs sa Kuwait, balik-Pinas na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bangkay ng OFW na tinangka ibenta ang internal organs sa Kuwait, balik-Pinas na Bangkay ng OFW na tinangka ibenta ang internal organs sa Kuwait, balik-Pinas na Reviewed by misfitgympal on Abril 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.