Facebook

‘Weakest link’ si Spkr. Velasco

HABANG nanatiling mataas ang ratings ng ibang opisyal ng gobierno, pababa nang pababa naman ang grado ng liderato ng House of Representatives.

Sa 1st quarter 2021 survey ng Publicus Asia tungkol sa approval at trust ratings ng limang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan na isinagawa sa pagitan March 20 – 29, 2021, at nilahukan ng 1,500 respondents mula sa iba’t ibang dako ng bansa, si Pangulong Rody Duterte parin ang nanguna na may 64.8% approval at 55% trust ratings.

Pumangalawa si Senate President Tito Sotto na may 40.9 % approval at 24.6% trust ratings. Nasa ikatlong pwesto si Vice President Leni Robredo (29.1 % approval at 18.6% trust). Sumunod ang retiradong Supreme Court Chief Justice na si Diosdado Peralta (28.4% approval at 15% trust). Kulelat ang lider ng Kamara na si Speaker Lord Allan Velasco ( 25.4% approval at 14.5 % trust)

Bumagsak ng husto ang rating ni Velasco. Anyare?

Kung matatandaaan nyo… karaniwang nasa huling pwesto sa mga approval at trust rating surveys ang Chief Justice ng Korte Suprema. Pero nabaligtad na ngayon ang sitwasyon. Pangalawang beses ng nangulelat si Velasco sa survey ng Publicus Asia. Kulelat din sya noong December 3 – 9, 2020 survey dalawang buwan matapos maupo bilang lider ng kamara.

Bumaba rin naman ang trust at approval ratings ni Duterte, Sotto at Robredo kumpara sa nakuha nilang ratings noong December 3 – 9 survey, kungsaan nakuha ni Digong ang 69.8% approval at 62.3% trust ratings. Nakuha naman ni Sotto ang 49.9% approval at 30.0% trust rating, Robredo (34.6% approval at 23.2% trust), Peralta (30.7% approval at 18.5% trust). Samantalang si Velasco ay nakakuha ng 29.7% approval at 18.1% trust rating sa naturang survey.

Nagkatotoo ang sinabi noon ni Anak Kalusugan Party List Cong. Mike Defensor na lalagapak ng matindi ang trust at approval ratings ng kamara at ni Velasco. May kinalaman siguro ito ito sa mga hakbang na ginawa nito mula nang maupo bilang Speaker of the House? Inuna kasi ng liderato ng kamara ang tanggalan at rigodon ng deputy speakers at chairmanships ng mga komite. Masyadong napulitika ang palitan ng speakership dahil karamihan ng mga bagong opisyal ay mga kakampi na ni Velasco at tinanggal sa pwesto ang mga kaalyado ni dating House Speaker Alan Cayetano.

Nakakalungkot isipin na ganito ang sinapit ng Kamara. Hintayin naman natin ang magiging survey rating ng Kamara de Representantes bilang institusyon ng gobyerno. Kung tutuusin hindi lang ngayon mababa ang rating ng lider ng Kamara. Pero nung panahon ng panunungkulan ni Cayetano bilang speaker ay tumaas ng husto ang trust at approval ratings ng Kamara at ng lider nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kamara na nakakuha ng pinakamataas na survey rating bilang house of the people under Cayetano.

Matatandaan na nakuha ni Cayetano ang performance rating na 64% noong Sept. 2019 at 80 % performance rating noong December 2019 sa nationwide survey ng Pulse Asia. Sa naturan ding survey nakuha ni Cayetano ang 62 % trust rating noong September 2019 at 72% trust rating noong December 2019.

Pumangalawa si Cayetano kay Duterte sa survey ng Publicus Asia sa Visayas at Mindanao noong December 2019 kungsaan nakakuha ito ng 32.25% approval rating at 49.1% trust rating.

Sa nangyayari ngayon sa bansa sana’y maisipan ng kongreso na unahin ang pagtalakay sa mahahalagang panukalang batas lalo na sa hinaharap na problema ng bansa sa COVID-19.

Malay natin baka sakali tumaas ang rating ng kamara at ng lider nito sa susunod na mga pagkakataon kung uunahin nilang aksyunan ang pangangailangan ng taong bayan. Mismo!

Keep safe, mga suki. Don’t forget to wear facemask paglabas ng hayba para ‘di makalanghap ng virus. God bless us all…

The post ‘Weakest link’ si Spkr. Velasco appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Weakest link’ si Spkr. Velasco ‘Weakest link’ si Spkr. Velasco Reviewed by misfitgympal on Abril 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.