TODAS ang isang dating miyembro ng New People Army na naging lider ng isang sindikato sa operasyon sa Ormoc City.
Kinilala ang napatay na si Nicolas P. Ibañez alyas Botoy, ex-NPA na lider ng isang sindikato na sangkot sa gun-for-hire at pagtutulak ng iligal na droga.
Ayon kay Captain Kaharudin K Cadil, spokesman ng 802 Infantry Brigade, 5:50 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Police Regional Special Operations Group 8, Philippine Drug Enforcement Agency 8, at 802 IB sa Sitio Mahayahay, Brgy. Anislagan, Calubian, Leyte.
Maghahain ng warrant of arrest ang mga otoridad laban sa isang Marlon S. Mendoza sa kasong frustrated murder.
Si Mendoza ay kabilang sa grupo ni Ibañez.
Si Ibanez ay may direktang kaugnayan kay Juanito Silleza Jr. alyas Tibor, kumander ng NPA na kumikilos sa Leyte.
Nakuha sa bahay nina Ibanez ang isang pakete ng shabu; isang (1) caliber .45 pistol; isang (1) AK-47 rifle; isang (1) M16 Rifle; isang (1) M653 Rifle (Baby Armalite); at mga magazine at bala. (Mark Obleada)
The post Dating NPA na lider ng sindikato tigok appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: