
NAPATAY ng mga tropa ng pamahalaan ang tatlong terorista kasama na ang isang banyaga at dalawang miyembro ng Abu Sayaff group (ASG) sa engkwentro sa Barangay Igasan, Patikul, Sulu.
Kinilala ang mga napatay na sina alyas Yusop, isang Egyptian national; at Abu Khattab Jundullah alyas Saddam, isang trained bomb maker ng Abu Sayaff; at isang alyas Akram.
Ayon kay 1102nd Infantry Brigade commander Col. Benjamin Batara, Jr., ang tatlong terorista ay mga tauhan ni Mudzrimar Mundi Sawadjaan na siyang nasa likod ng twin suicide bombing sa Jolo noong August 2020 at Jolo Cathedral bombing noong 2019.
Nabatid na si Yusop ay anak ng suicide bomber na si Siti Aisyah na siyang responsable sa suicide attack noong September 2018 na namatay naman sa shootout sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu.
Nagbuluntaryo umano ito maging suicide bomber nang umanib kay ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan.
Narekober ang tatlong klase ng armas na kinabibilangan ng M653, M203 at R4, ilang magazines, 2 bandoliers at ilang personal na kagamitan sa encounter site.
The post 3 terorista tigok sa engkuwentro sa Sulu appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: