Facebook

Litsong kuneho patok sa Bulacan, alternatibo sa karneng baboy

ISA sa mga nahihiligang pagkain ng mga Pilipino ang anumang uri ng litson gaya ng g baboy, manok, pato, at ngayon ay litsong kuneho ang nauuso.
Ito ang negosyo ng isang netizen na nagngangalang Aldrin Jonel Sahagun mula sa Poblacion, Santa Maria, Bulacan. Pinangalanan niya itong ‘Health Shaker’ kungsaan naisipan niyang magluto ng litsong kuneho, na nagsimula Oktubre 2020.
Matatandaang may ilang netizens na ang nagkakainteres sa pagkain ng karne ng kuneho lalo na’t apektado ngayon ang suplay ng karne ng baboy dahil sa African swine fever (ASF) outbreak sa bansa.
Lalo raw lumakas ang kaniyang litsong kuneho nang maibalita ngang maaaaring gawing alternatibo sa karne ng baboy ang karne ng kuneho. Kamakailan lamang, napabalita ang mga gahiganteng kuneho sa San Ildefonso, Bulacan.
Masarap at bagay naman daw ang litsong kuneho sa kahit anong sauce, mapa-toyomansi, gravy o ketchup man. Ginagarantiya niyang hindi malansa ang kanilang litsong kuneho. Giit niya, wala namang masama sa pagkain nito.
“Wala naman pong mali sa pagkain ng rabbit meat. Sa ibang bansa matagal nang kinakain ang rabbit meat lalo na sa Europe. Ang rabbit meat is part of livestock kaya po walang mali sa pagkain nito,” aniya.
Ngunit sa kabila nito, marami paring consumers ang nagpapahayag ng kanilang agam-agam sa pagkain ng karneng kuneho. Hati parin ang kanilang saloobin at opinyon hinggil dito.
“May 2 uri ang mga rabbit, isang pet type at isang farm type. Farm type po yung kinakain at malusog po ang meat nila na pwedeng ipalit sa pork lalo na po ngayon na laganap ang sakit ng mga baboy,” sabi ng isa.
Turan naman ng isa, “Sorry pero prefer ko pa ang duck, beef, o iba. Huwag lang rabbit kasi para sa akin, pet sila.”
“Kumakain nga yung iba ng palaka at dagang bukid, di ba? Kaya ok lang din iyan,” saad naman ng isa.

The post Litsong kuneho patok sa Bulacan, alternatibo sa karneng baboy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Litsong kuneho patok sa Bulacan, alternatibo sa karneng baboy Litsong kuneho patok sa Bulacan, alternatibo sa karneng baboy Reviewed by misfitgympal on Abril 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.