Facebook

Rapist nang-agaw ng baril, bulagta!

TODAS ang isang lalaki na inaresto sa kasong panggagahasa nang mang-agaw umano ng baril ng pulis sa Solano, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang nasawi na si Delmar Cadiente, 31 anyos.
Sa report ng Nueva Vizcaya Police, nasa gitna ng booking procedure ng kanyang kaso si Cadiente nang agawin umano nito ang armas ni Police Cpl. Mark Galut.
Aminado si Police Capt. Jet Sayno na pinaputukan niya si Cadiente nang tutukan ang pulis na inagawan nito ng baril.
Pero sumubok pa raw manlaban ang suspek kaya nagkapalitan sila ng putok ng pulisya.
Naisugod pa sa ospital si Cadiente pero idineklarang dead on arrival.
Inaakusahan ng panggagahasa ng 3-tatlon gulang na bata si Cadiente.
Ayon sa report, iniulat ng nanay ng bata ang insidente nang ituro nito ang suspek na nanggahasa sa kanya.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, malapit lang sa bahay ng biktima ang tinutuluyan ni Cadiente.

The post Rapist nang-agaw ng baril, bulagta! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Rapist nang-agaw ng baril, bulagta! Rapist nang-agaw ng baril, bulagta! Reviewed by misfitgympal on Abril 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.