MGA aktibo at retiradong teachers at principals naman sa Maynila ang tumanggap ng kanilang unang dosis ng bakuna mula sa lokal ng pamahalaan, Martes, Abril 13 sa pagpapatuloy ng vaccination rollout, kung saan umabot na sa kabuuang bilang na 76,690 ang mga nabakunahan.
Ang vaccination na pinangunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna, ay ginawa sa Palacio de Manila sa Roxas Boulevard, Ermita, Manila para sa mga teachers at principals na kabilang sa A2 at A3 categories o sa senior citizens at mga nasa edad 18 hanggang 59 na may comorbidities.
Samantala ay pinasalamatan ni Moreno si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa pagdating ng 10 brand-new at fully-equipped ambulances na ipapamahagi sa anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod.
Personal na tinanggap ni Moreno ang mga ambulansya kasama sina Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan at sinabing malaking tulong ang mga ambulansya hindi lang sa mga may COVID kundi maging sa mga agaw-buhay na pasyente.
Nanawagan si Moreno sa mga magpapatakbo ng ambulansya na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho dahil napakahalaga nito sa pagliligtas ng buhay.
Kaugnay naman sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) mula sa national government, pinuri ng alkalde ang Manila department of social welfare sa pangunguna ni director Re Fugoso gayundin ang mga social workers sa ilalim nito, dahil sa pagtatrabaho kahit na weekends upang ang kabuuang bilang ng mga tumanggap na ng ayuda ay umabot na sa mahigit 100,000 mula pa noong isang gabi.
“A total of 100,102 families already received P4,000 each from the national government in a period of only one week. Congratulations to Director Re Fugoso and our social workers for going beyond the normal working hours and even days,” pahayag ni Moreno na nagpasalamat din sa mga miyembro ng Manila Police District na nagbabantay sa lugar kung saan ginagawa ang payout upang tiyakin na payapa at maayos ito.
“We will not stop dahil kailangan ng tao ng pera ngayon,” sabi pa ni Moreno na idinagdag din na tuloy ang pagbibigay ng food security program (FSP) food boxes ng pamahalaang lungsod bilang komplementaryo sa cash aid.
Nasa ikatlong sunod na buwan na ang pamamahagi ng FSP na umabot na sa 299,000 pamilya ang nabigyan mula sa target na 700,000 pamilya sa buong lungsod. Ito ay nagawa sa loob lamang ng limang araw na non-stop delivery.
Muli ay nakiusap si Moreno sa lahat ng mga punong barangay na agad na ipamahagi sa kanilang mga nasasakupan ang mga food boxes sakaling mai-deliver na ito sa kanilang barangay.
“Wala naman kayong tosgas, pawis-pawis lang, laway-laway lang. Paglingkuran nyo na nang todo dahil di natin alam kung sino kakian ngayon at sino ang hindi,” giit ng alkalde. (ANDI GARCIA)
The post Active/retired teachers at principals sa Maynila, binakunahan na — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: