Facebook

‘Malalampasan din natin ang krisis’ — Bong Go

HINIKAYAT ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na patuloy na magbayanihan at magtulungan sa pagsasabi pang malalampasan din natin ang krisis na hatid ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ni Go ang pahayag sa isinagawang distribusyon ng ayuda at pangangailangang medikal ng kanyang mga tauhan sa mga residente ng Sto. Niño, Guagua, Pampanga.

Sa aktibidad na isinagawa sa Cerville Subdivision Covered Court, namahagi ang mga staff ni Go ng mga makakain, masks at face shields sa tinatayang 160 indigent residents.

“Alam ko po mahirap ang panahon ngayon, nasa pandemya pa po tayo. Magtulungan lang po tayo, malalampasan rin natin itong krisis na ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” sabi ni Go sa kanyang video message.

Bukod sa mga nasabing ayuda, ilang benepisyaryo ang nakatanggap din ng sapatos, bisikleta at computer tablets para sa kanilang mga anak na mag-aaral.

Nagbigay rin ang Department of Social Welfare and Development sa bawat residente ng financial assistance sa hiwalay na distribusyon sa nasabi ring akibidad. Ang mga tauhan naman ng Department of Health ay namahagi ng karagdagang medisina at vitamin supplements.

“Maraming salamat sa DSWD, mayroong programa ang national government na AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation). Bibigyan kayo ng financial assistance ng DSWD. Salamat din po sa DOH. Mayroon din po silang dalang mga medisina,” sabi ni Go.

Dahil sa mas mataas na banta ng COVID-19 sa mga may sakit at nakatatanda, hinimok ni Go ang mga residente at kanilang mga mahal sa buhay na nangangailangan ng medical care na humingi ng tulong sa bagong bukas na Malasakit Center sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center o sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City.

“Kung kailangan niyo po ng tulong sa pagpapagamot, mayroon na tayong 102 na Malasakit Center sa buong Pilipinas. Batas na po ‘yan, isinulong ko noon,” ani Go.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa mahihirap at indigent patients na nangangailangan ng medical assistance mula sa DOH, DSWD, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Tandaan natin, minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano po’ng kabutihan o tulong na pwede nating gawin sa ating kapwa tao, gawin na po natin ngayon dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito.”

“Kami po ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyong lahat dahil para sa amin ang serbisyo sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos. Maraming salamat, mahal namin kayo,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post ‘Malalampasan din natin ang krisis’ — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Malalampasan din natin ang krisis’ — Bong Go ‘Malalampasan din natin ang krisis’ — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Abril 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.