Facebook

Bading binaboy bago pinaslang

NALILIGO sa sariling dugo, labas ang ari at balot ng sako ang ulo nang matagpuang patay ang isang delivery boy na miyembro ng LGBTQ community sa isang bunkhouse sa Ana Ros Village, Barangay Calajunan, Mandurriao, Iloilo City, noong Lunes, Abril 12.
Kinilala ang biktima na si Peter Galea, 36 anyos.
Sa imbestigasyon ng Mandurriao Police, pinaglaruan muna ang katawan ng biktima bago ito paslangin dahil dumudugo ang puwitan at lamog ang maselang bahagi ng katawan nito. May sugat din ito sa ulo na maaaring sanhi ng pagkakahampas ng matigas na bagay at sugat sa kanyang dibdib.
Samantala, sa tulong ng ilang saksi, natukoy na ng pulisya ang kumpletong pagkakakilanlan at address ng tatlong salarin.
Sa pahayag ng testigo, tatlong lalaki ang nakitang kasama ng biktima bago ito matagpuang bangkay.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang mga otoridad sa mga opisyal ng barangay kungsaan nakatira ang mga itinuturong salarin.

The post Bading binaboy bago pinaslang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bading binaboy bago pinaslang Bading binaboy bago pinaslang Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.