Facebook

Pulis-MPD na inakusahang miembro ng ‘Basag Kotse’ rumesbak sa mga opisyal ng Bulacan PNP

SASAMPAHAN ng kasong Administartibo sa Internal Affair Service ng Philippine National Police ang hepe ng San Ildefonso Police Station at ilang tauhan nito dahil sa pagsisinungaling sa pinalabas sa medya at police report na kasapi ng ‘Basag Kotse’ ang isang Pulis-Maynila.
Nabatid na pinalabas ng hepe ng San Ildefonso Police na nagkaroon ng habulan dahil tumakbo papuntang San Miguel, Bulacan si Police Corporal Mark Edison Quinton ng Manila Police District (MPD) nang pumunta ang huli sa istasyon ng pulisya sa San Ildefonso.
Kabilang sa mga sasampa-han ng kaso sina Lt. Colonel Omar Fiel, hepe ng San Ildefonso Police; at Provincial Director Col. Lawrence Cajipe.
Sa report, unang inaresto sina Allen Alvarado ng Quiricada St., Tondo, Manila; John Fizer Salvador, Juvito Salvador ng Barangay 29, Tondo; makaraang basagin umano ng mga ito ang isang sasakyan sa Bgy. Cruz na Daan sa bayan ng San Rafael. Nakumpiska umano sa kanila ang isang caliber 38 revolver na kargado ng dalawang bala, isang granada at 3 plastic sachet ng shabu.
Tapos dumating sa San Ildefonso Police si Juvito Salvador at Cpl Quinton na nagpakilalang pulis ng MPD.
Sinabi ng dalawa na nagpa-tulong lamang ang kanilang kapitbahay kaugnay sa dalawang nakakulong sa istasyon. Ipinakita ni Quinton ang kanyang PNP ID. Makalipas ang ilang minuto sinabi ng pulis ng San Ildefonso na nasa San Miguel ang kanilang hinahanap. Kaya nagpaalam sila para pumunta sa San Miguel Police.
Subali’t naharang sina Quinton sa checkpoint lulan ng Ford Everest na may conduction sticker MO79, kung saan sinamahan pa ng hepe ng San Miguel Police si Quinton, at dito na siya pinakasuhan sa paglabag sa ECQ.
Isinama rin si Quinton sa kaso ng unang tatlong nahuli (Alvarado, John at Juvito Salvador) na paglabag sa Sec.11, Art ll of RA 9165, RA 10591, RA 9516, at RA11332 (Usurpation of Authority).
Napaiyak nalang si Quinton nang mabasa sa Police Files Tonite at iba pang diyaryo ang mga akusasyon laban sa kanya, kungsaan ay ipinatawag siya ng hepe ng MPD. Dahil dito ay determinado siyang kasuhan ng administratibo ang hepe ng San Ildefonso Police at ang PD ng Bulacan PNP. (Thony D. Arcenal)

The post Pulis-MPD na inakusahang miembro ng ‘Basag Kotse’ rumesbak sa mga opisyal ng Bulacan PNP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis-MPD na inakusahang miembro ng ‘Basag Kotse’ rumesbak sa mga opisyal ng Bulacan PNP Pulis-MPD na inakusahang miembro ng ‘Basag Kotse’ rumesbak sa mga opisyal ng Bulacan PNP Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.