Facebook

P1.2B Taklobo nasabat sa Palawan

Nasabat ang tinatayang P1.2 bilyong “taklobo” ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong, Roxas, Palawan.
Kinilala ang mga naaresto na sina Rey Cuyos, 54; Rodolfo Rabesa, 48; Julius Molejoa, 47; at Erwin Miagao, 40 anyos.
Ayon sa PCG, isang joint law enforcement operation ang ikinasa kung saan apat na indibidwal ang naaresto sa nasabat na 200 tons ng taklobo.
Ayon kay PCG District Palawan Commander, Commodore Genito Basilio, itinuturing ang nasabing insidente na pinakamalaking nahakot na giant clam shell sa probinsya sa ngayon ng magkasanib na law enforcement operations ng Coast Guard Intelligence Group Palawan, Coast Guard District Palawan, PCSD, PNP – Maritime Group Palawan, AFP Intelligence Operatives, at Bantay Dagat Roxas.
Dinala ang mga naaresto sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa inquest proceedings at pagsasampa ng kaukulang kasong paglabag sa Republic Act No. 9147 or the Wildlife Resources Conservation and Protection Act.(Jocelyn Domenden)

The post P1.2B Taklobo nasabat sa Palawan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P1.2B Taklobo nasabat sa Palawan P1.2B Taklobo nasabat sa Palawan Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.