Facebook

2 bar sa Makati sinalakay

Sinalakay ang dalawang bar sa pag-o-operate dahil nasa ilalim pa ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Makati City.
Sa ulat, 9:00 ng gabi nang datnan ng taga Public Safety Department ng Makati City ang isang music lounge sa P. Burgos Street na may customer pa sa loob.
Agad naman ipinatigil ang kanilang operasyon at tinikitan ang hindi bababa sa 20 na customer at staff dahil sa paglabag sa curfew hours.
Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng bar.
Sinalakay din ang isa pang bar sa kaparehong kalye pero nahirapan ang mga awtoridad dahil biglang nagsara ang naturang bar.
Nang mapasok, hindi bababa sa 10 tao ang tinekitan din.
Nanindigan naman ang pamunuan ng bar, wala silang operasyon at puro tauhan nila ang laman ng bar.
“They thought that the place was open so they tried to check. So far, as far as I am informed, curfew violation. Though the people here are on training and they live upstairs. As you can see there are no customers,” ani Michelle Sterling, officer-in-charge ng bar.
Ayon sa Public Safety Department ng Makati City, posibleng ipasara at maaaring kanselahin ang business permit ng dalawang bar dahil sa paglabag sa guidelines ng IATF.(Gaynor Bonilla)

The post 2 bar sa Makati sinalakay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 bar sa Makati sinalakay 2 bar sa Makati sinalakay Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.