IPINAALALA ni Senator Bong Go sa PhilHealth na bayaran nito ang financial obligations sa mga ospital at sa kanilang pasyente sa tamang oras upang masiguro na ang mga medical institutions ay makabili ng vital medical supplies at pampasuweldo sa kanilang medical workers.
Ibinabala ng senador na kung patuloy na sasablay ang ahensiya sa usaping ito ay babagsak ang katatagan ng healthcare system.
“I urge PhilHealth to review and enhance its existing policies. Karamihan naman po ng mga Pilipino may kontribusyon sa PhilHealth. Dapat nilang maramdaman ang serbisyo ng PhilHealth, lalo na sa panahong ito,” ani Go.
Batay sa pakikipagpulong ni Go sa executive officials, sinabi ni Go na iniulat ni PhilHealth president Dante Gierran n nabayaran na ng ahensiya ang P91.4 billion ng hospital claims para sa taong 2020.
Mayroon pang P3.7 billion halaga ng claims ng kasalukuyang pinoproseso habang may P5.2 billion pa ang bina-validate.
Sinabi rin ni Gierran na lumikha rin ang PhilHealth ng komite na magsasagawa ng follow-ups, pagta-track ng difference at pagre-reconcile ng mga libro ng ospital.
At kapag natanggap na ang reimbursements, nangako ang mga private hospitals na magdaragdag ng COVID-19 beds nang 50 percent batay sa direktiba ng Department of Health.
“Dapat ma-settle on time [ang mga financial obligations] in accordance with our regulations. Huwag natin hayaan na maapektuhan ang operasyon ng mga ospital dahil sa kakulangan ng pondo,” iginiit ni Go.
Umapela rin si Go sa PhiliHealth na paigtingin ang pagtugon nito sa pandemya sa pamamagitan ng pagpapalawak ng proteksyon laban sa medical costs, partikular ng mga pamilyang nahaharap sa krisis sa pananalapi.
“As the primary health insurance provider of millions of Filipinos, it is important that PhilHealth adapts to the current challenges the country is facing today,” ayon sa senador.
“For faster recovery, PhilHealth should be more proactive by anticipating the needs of Filipinos even before they avail treatment and expand the coverage of its health insurance schemes accordingly,” aniya. (PFT Team)
The post Bong Go sa PhilHealth: Mga utang sa ospital, bayaran appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: