HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itaguyod ang karapatan ng mga konsyumer at gamitin ang angking impluwensiya sa mga bangko para matiyak na mabalik ang pera ng mga naging biktima ng panloloko.
“Financial regulators are keen on throwing banks a line when they are deemed to be too big to fail. Equally, individuals deserve proper and timely support. People should be at the core of what government does and no one should be too small to ignore,” pahayag ni Poe, chairperson ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies.
Nauna nang sinabi ng BSP na nag-aalangan ang mga tao na makipagtransaksiyon online dahil sa takot na sila ay ma-scam o ma-hack.
May ilang grupo na ang binuo sa social media para sa mga biktima ng online bank fraud.
Isang grupo ang nagtipon ng datos hinggil sa halaga ng nawala sa kanila kung saan mahigit 150 biktima na ang lumantad at nawalan ng aabot sa P7.5 milyon.
Ayon kay Poe, kung matutugunan ang mga hinaing ng mga konsumer at matulungan silang maibalik ang pinaghirapan nilang pera, makakatulong ito para mapalakas ang kumpiyansa ng mga konsumer sa online transaction.
Madalas din nabibiktima ng online bank fraud ang mga overseas Filipino workers.
Bagama’t nakakatulong ang chatbot ng BSP kung saan sila puwedeng magreklamo, gayundin ang information campaign para madagdagan ang awareness o kamalayan kung paano maiiwasang mabiktima ng panlilinlang, kailangan pa ng mas pinaigting na pagtugon.
“Some of the money stolen go to accounts that victims have identified. Banks are expected to timely and effectively act. Certainly, the BSP must leave no stone unturned in safeguarding the welfare of our consumers,” sabi ni Poe.
Noong Enero ng taong ito, ipinasa ng Kongreso at inaprubahan ang Republic Act 11521 o An Act Further Amending the Anti-Money Laundering Act.
Sabi Poe, sponsor ng naturang batas sa Senado, ang pag-amiyenda ng Anti- Money Laundering Act ay makakatulong sa mga regulator na madetermina ang money trail at makatulong na maresolba ang ilang kaso ng money laundering.
“People have lost their jobs. They shouldn’t unduly lose their savings, too,” diin pa ng senadora. (Mylene Alfonso)
The post Poe sa BSP: Saklolohan, mga biktima ng panggagantso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: