ILANG araw matapos ang sunog, agad rumesponde ang grupo ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga pamilyang nasunugan at nawalan ng tirahan sa Bacoor City.
Sa Sitio Tibag sa Barangay Panapaan 3, namahagi ang tanggapan ni Sen. Go ng tulong sa tinatayang 2,700 residente o 326 pamilyang nasunugan sa nasabing lugar.
“Ako’y nagpapasalamat kay Senator Bong Go at Presidente Rodrigo Duterte. Napakaganda ng kanilang gawain na nag-abot sila ng tulong sa amin. Sir Bong, Bisaya rin ako, maraming salamat dahil kahit wala kayo dito, gina-guide pa rin kayo ng Panginoon para magbigay ng tulong sa aming mga mahihirap,” ang sabi ni Perlita Oliveros, 40, na isa sa nasunugan.
“Bilang single mother, hindi ko alam kung paano kami makaka-recover. Sana makarating ito sa inyo at matulungan ninyo ako para makapagtapos ng pag-aaral ang aking mga anak. Hindi ko sila kayang suportahan lalo na ngayon,” patuloy ni Perlita.
Bilang bahagi rin ng pagtugon ng national government, ang National Housing Authority ay nagsagawa ng assessment para sa ibibigay na housing assistance sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.
Nagbigay naman ang Department of Trade and Industry livelihood assistance sa mga residenteng nais makapagsimula ng maliit na negosyo.
Namahagi naman ang Department of Health ng medicine packs at vitamins habang hygiene kits naman ang ipinamigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Nagbigay rin ng karagdagang financial assistance ang DSWD.
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Go ang mga walang pambayad sa pagpapaospital at medical expenses na i-avail ang serbisyo ng Malasakit Center sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City.
Tiniyak ni Go na patuloy niyang tutuparin ang kanyang pangako na tutulong sa mga nahaharap at lubog sa krisis.
“Mga kababayan, kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, basta nasunugan, nabahaan o tinamaan kayo ng lindol, pupuntahan ko kayo para magbigay ng konting tulong, pakinggan ang inyong mga hinaing at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Konting tiis lang po at huwag kayong mag-alala. Kung may maitutulong pa kami, magsabi lang kayo at tutulungan namin kayo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa abot ng aming makakaya,” paniniyak ng senador. (PFT Team)
The post Bong Go, umayuda sa mga nasunugan sa Bacoor City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: