Facebook

Brgy. tserman patay sa police ops

Ngayong Semana Santa, doble ang lungkot ng mga residente ng Barangay NiƱo Jesus, ng Iriga City, Camarines Surna dahil sa pagkamatay ng punong barangay nila.
Kinilala ang nasawi na si Elmer Casabuena, 50- anyos.
Sa report, pumalag si Casabuena sa operasyon kontra ilegal na baril at droga ng Camarines Sur Provincial Police, madaling araw noong Marso 26.
Isang cal .45 na baril ang hinahanap ng pulisya, ngunit nagpaputok umano ito sa mga pulis gamit ang cal .38 revolver
Ayon sa biyuda ng kapitan, imposible ang sinasabi ng mga pulis dahil bukod umano sa walang pag-aaring baril ang asawa, hindi rin umano ito marunong gumamit nito.
Naiiyak siya dahil hindi niya nasaklolohan ang asawang sapilitan umanong ipinapasok sa kwarto nila, habang siya, ikinulong umano sa kwarto ng menor de edad na anak.
Masama rin ang loob ng mga taong malapit kay Casabuena dahil ginamit umanong palusot ng mga pulis na may New People’s Army sa barangay para sa himpilan na ng pulis siyasatin ang umano’y mga ebidensiya.
Ayon sa pulisya, may 20 sachet umano ng droga silang narekober sa belt bag ni Casabuena.
Ikinagulat ng DILG-Iriga ang pagiging high-value individual ni Casabuena sa drug watchlist ng Camarines Sur Police dahil pumasa naman ito sa parameters ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at naideklarang drug-free ang barangay noong October 2019.
Kinondena ni Iriga Mayor Madel Alfelor ang pagpatay. Bukod kasi sa aktibo sa pagtulong sa sektor ng agrikultura, malaki rin ang ambag ni Casabuena sa kampanya kontra droga ng lungsod.
Isang kaso umano ito ng extra judicial killing dahil isinagawa ang pagsalakay na walang mandatory witnesses, at huli na nang makipag-ugnayan ang mga operatiba sa Iriga City Police.
Tingin ng abogado at dating opisyal ng National Bureau of Investigation na si Ricardo Diaz, may mali sa naging operasyon ng Camarines Sur Police.
Pinag-aaralan na ng kampo ng punong barangay ang pagsasampa ng kasong murder sa mga pulis na sangkot sa insidente.

The post Brgy. tserman patay sa police ops appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Brgy. tserman patay sa police ops Brgy. tserman patay sa police ops Reviewed by misfitgympal on Abril 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.