Facebook

City administrator ng Maynila, rumesbak kay Gov. Remulla

RUMESBAK ang city administrator ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na si Felix Espiritu kay Governor Jonvic Remulla ng Cavite at sinabing hindi nito naiintindihan kung saan nagmula ang lahat. Wala ring ng basehan ang mga akusasyon at unbecoming of a public official ang pinagsasabi nito.

Ayon kay city administrator Felix Espiritu noong 2019, bago pa nahalal si Mayor Isko Moreno ay may 1,000 residente mula Tondo at Baseco ang na-relocated ng National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite.

Nang maging alkalde na si Moreno at maganap ang pandemya, sinabi ni Espiritu na ang mga opisyal ng relocatees ay humingi ng tulong sa alkalde at binigyan ng food boxes na katulad ng binibigay sa mga taga-Maynila. similar to the ones being given Manila residents. Sinabi ni Espiritu na nagbigay ng tulong ang Maynila nang walang ingay.

Kamakailan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), sinabi ni Espiritu na nakatanggap siya ng tawag kay Naic Mayor Jun Duanan at nanghihingi ng tulong para sa relocatees ng Maynila, dahil hindi aniya ito kabilang sa assistance na binigay sa Naic.

“Tumawag si Mayor Jun Duanan ang sabi kung pwede ba kayo naman tumulong dahil di sila kasama sa ayuda ng Naic. Sabi ko, sige gagawa kami ng paraan paki-intay lang. Mga three to four times tumawag sa akin,” paliwanag ni Espiritu.

“Nung isang araw, we also sent foodboxes. This is not the first time. ‘Yung una ay nung isang taon pagputok ng pandemya. Naglakad ang relocatees papunta ng Manila kasi walang sasakyan. Sa awa namin, binigyan namin ng food boxes,” sabi pa ni Espiritu.

“Nagtataka ako bakit sinasabi namumulitika kami eh hindi naman kami nagkusang pumunta dun kungdi sila ang humihingi. Sino ngayon ang namumulitika?” Dagdag pa ni Espiritu.

Ayon kay Espiritu ang mga relocatees ay dalawang taon ng naninirahan sa Naic kaya dapat ay ituring na itong mga residente doon. Nagtataka rin aniya si Espiritu kung bakit si Remulla ang nagiingay samantalang si Duanan ang dapat na magsalita sa issue dahil ito naman aniya ang tumawag upang humingi ng tulong para sa mga relocatees. (ANDI GARCIA)

The post City administrator ng Maynila, rumesbak kay Gov. Remulla appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
City administrator ng Maynila, rumesbak kay Gov. Remulla City administrator ng Maynila, rumesbak kay Gov. Remulla Reviewed by misfitgympal on Abril 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.