BOSTON Red Sox, San Beda Red Lions at Red Cubs, University of the East Red Warriors, Mapua Red Robins at Red Bull.
Ilan lang yan na mga popular na mga koponan na may pula sa kanilang pangalan o monicker.
Samantala ang Chicago Bulls, Miami Heat at Yco Painters naman ay kilala rin na ma-red ang mga jersey.
Paano kaya kung napagsuspetsahan din sila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTT-Eclac)?
Masyado kasing praning ang gobyernong ito sa mga diumano’y komunista sa ating bansa nguni’t ang amo naman nila ay BFF sa lider ng Red China.
Una mga mambabatas sa Kongreso ang ginawan ng isyu. Tapos pati mga nagtayo ng mga community pantry ay pinaratangan din nila.
Ibang klaseng pananakot ito sa panahon pa naman ng pandemya. Kung kailan higit sana ang tulungan ay pinipigilan pa ang makabagong bayanihan.
Dapat gawin ng militar at iba pang sangay ng pamhalaan nang maayos ang kanilang trabaho. Huwag padalos-dalos. Masusing pag-iimbestiga at pagsusuri ng mga info. Kung may matibay na ebidensya eh di sampahan ng kaso. Hindi yung puro pahayag sa media ang alam gawin. Epal much.
Susmaryosep naman Parlade at Badoy! Hoy, lumagay kayo sa lugar!
***
Kahapon ay nakiisa tayo sa pagdiriwang ng National Lugaw Day. Walang paki dito ang kasalukuyang administrasyon. Taong-bayan ang nagdeklara. Pondo’y mula sa may mga mabubuting puso. Kung ano ang kaya ng bulsa ating pinagkasya.
Mga simpleng nilalang ang nagprepara at aktuwal na namahagi ng paborito nating pagkain.
Nagpaluto tayo kasi naniniwala tayo na Lugaw is Essential, Good Governance is Crucial at Leni is Presidential.
Inspirado ang mga mamamayan dahil batid nila na ang tinaguriang Lady Engaging Nationals Impressively ay labis ang sharing at caring sa mga kapwa Pilipino. Tunay na lingkod-bayan ang may kaarawan noong Biyernes. Ibig lang nilang ipdama sa kanya na naaappreciate nila ang pagseserbisyo at pagsasakripisyo ng kabiyak ng yuamaong Jesse Robredo, dating DILG Secretary at 6-term na alkalde ng Naga.
Nagpakain tayo sa mga medical frontliner, kasapi ng mga TODA at mga nasa laylayan ng lipunan. Heto ang partial na listahan ng mga bayan at lalawigan — Maynila, Rizal, Bulacan, Iloilo, Bacolod, Valenzuela, Tarlac, Eastern Samar, Pampanga, Camarines Sur, Muntinglupa at sa Paranaque kung saan tayo nadestino.
Kakatuwa na sa pamamagitan ng lugawan ay may bagong bayanihan tayong mga Pinoy.
Ilan sa mga nagpadala sa atin ng ambag ay mga personalidad sa PBA na ayaw na pabanggit ang mga pangalan. Mabuhay!
***
Sa Lunes na ika-apat ng hapon ay abangan ang OKS@DWBL, You Tube at Facebook Live. Piling-piling panauhin natin si Rolando Bohol, dating kampeon na boksingero at ngayo’y matagumpay na negosyo sa Las Vegas. Ibabahagi niya sa atin ang makulay na kwento ng kanyang buhay.
The post Red-tagging? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: