Facebook

Cotabato ambush: 4 sibilyan sugatan

APAT ang sugatan sa pamamaril ng mga armadong kalalakihan sa Cotabato City.
Unang tinambangan sina James Pangilan at Bainare Pangilan habang sakay sila ng “payong-payong” na motorsiklo.
Swerteng hindi tinamaan ng bala ang tatlo nilang mga menor de edad pa na mga anak.
Habang nag-iimbestiga ang mga pulis sa pananambang sa mag-anak sa Barangay Tamontaka 3 sa lungsod, pinaputukan naman ng mga armadong kalalakihan ang isang D4D van kungsaan nasugatan sina Anas Naga, driver, at kasama niya na si Datu Ameer Diocolano.
Kahit sugatan ang mga biktima, nagawa pa nitong patakbuhin ang van patungo sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC). Tumakas naman ang mga salarin.
Sa ngayon, ligtas na ang mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP.

The post Cotabato ambush: 4 sibilyan sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cotabato ambush: 4 sibilyan sugatan Cotabato ambush: 4 sibilyan sugatan Reviewed by misfitgympal on Abril 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.