Facebook

FLAG NI ANDES BABANDERA SA BAYAN

NAKADAUPANG-palad ng korner na ito ang isang pinagpipitagang personahe sa larangan ng paglilingkod- bayan.

Malakas ang karisma niya sa tao at ramdam mo na isa siyang magaling na lider sa alinmang sektor na kanyang kinabibilangan.

Siya ay professional, civic oriented at may malawak na pananaw para sa kapwa na kanyang nais paglingkuran sa tamang panahon at ayon sa kanyang tadhana.

Si G. HILARIO ANDES ay isang proud son ng Bicol-ang rehiyong mina ng matatalinong propesyunal sa kasaysayan ng bansa.

Nagtapos siya bilang accountant with distinction sa Divine World College sa Bicol (Board passer )at Masters in National Security Administration (MNSA) sa National Defense College with honors. Nakapaglingkod din siya sa pamahalaan- sa PCOO ng People’s Television at sa Department of Trade and Industry.

Isa lamang simpleng mamamayan ang batang Larry mula Banquerohan sa Lungsod ng Legaspi noon pero ngayon ay isa na siyang matagumpay na lider na naging isang role model ng mga nakakilala sa kanya at inspirasyon ng maraming nag-aambisyong matupad din ang bawat pangarap .

Dahil sa malawak niyang pananaw sa buhay at pangarap para sa bayan, nagtatag si G. Andres ng isang organisasyon ‘for a cause’ na FLAG.

“Ang FLAG ay acronym ng Free our Lands Against Greed- it is a collective concept of pioneers from here (Philippines) and kabayans in Australia, US , Canada, Europe and other parts of the world.Actually it started with a prayer, now it is already a big organization with a cause- and counting”, wika ni Andes na isa sa kanyang adbokasiya ay makalaya ang mamamayang Pilipino sa tanikala ng mga TRAPOS (traditional politicians) at mga nagkaugat ng mga political leaders pero walang nagawa para sa bayan. Aniya ay dapat na ring tuldukan ang mga awayan ng interes-pulitikal ng mga dilawan o pulahan dahil ang nagsa-suffer ay ang kapakanan ng bayan.

“Optimistiko ako na babangon tayo bilang isang lahing kayumanggi ng Diyos na nagkaisa para sa ikasusulong ng bansa”, ani pa Andes na ipinipresenta din ang modernong ‘farming’ na angkop sa bagong panahon.

“Mithiin ng FLAG na bawat bayan ay yayaman, bawat barangay ay tatagumpay, mga lupain, palayan, gulayan, tubigan, palaisdaan, bukirin, yayabong ang mga gubat na luntian, bawat pamilya ay may hanapbuhay, lahat ng Pilipino ay edukado at aasenso mula Luzon, Visayas at Mindanao. Pero bago maisakatuparan at maging realidad ito, kailangang ikaw ay humahawak nang napakahalagang posisyon sa pamahalaang nasyunal.Simple lang ang kanyang pormula ng good governance-ang paninidigan dapat ang Oath ng Office.

Nang itanong ng UPPERCUT kung ano ang kanyang plano para sa Pilipino, “We’ll cross the bridge when we get there”,aniya.. ABANGAN!

Lowcut: Legit at credible ang punto de vista ni G.Andes sa political scene, sa edukasyon, ekonomiya, kalusugan, siyensiya,soberenya, sining,sports atbp. kaya kumporme ang ating mga kaisports sa Sama-Sama Sports Nationwide.Da best toits Ka Andes! Ilalarga na rin ang krusadang LAMP sa sa lalong madaling panahon.Larry Andes – Mabuhay ang Pilipino!

The post FLAG NI ANDES BABANDERA SA BAYAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
FLAG NI ANDES BABANDERA SA BAYAN FLAG NI ANDES BABANDERA SA BAYAN Reviewed by misfitgympal on Abril 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.