Facebook

Ancajas napanatili ang titulo; Magsayo wagi by KO

UMISKOR si Filipino boxer Jerwin Ancajas ng unanimous decision win laban kay Mexican Jonathan Javier Rodriguez para depensahan ang kanyang International Boxing Federation (IBF) superflyweight title kahapon sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.
Ito ang unang laban ni Ancajas sa mahigit isang taon, at hindi nakitaan ng kalawang sa loob ng 12 round.
Umiskor ang judges ng 115-112,116-111, at 117 110 lahat pabor kay Ancajas, Ang Panabo City native na pinalawak ang kanyang win streak sa siyam.
“This is the toughest fight for me,” Wika ng 29-year-old Ancajas.
Umangat ang ring rekord ni Ancajas sa 33 wins na may 22 knockout one loss at two draws.
Pansamantala, Rodriguez ay nakalasap ng ikalawang talo na tumuldok sa kanyang six-win streak, mula split decision loss sa kapwa Mexican Jose Estrada Garcia noong Marso 2018, na may 22 wins,16 KO’s
Huling lumaban si Ancajas ng ma knocked out si Miguel Gonzalesz ng Chile’s sa sixth round noong December 2019 sa Mexico.
Posibleng susunod na makakalaban ni Ancajas ang Thai superstar na si Srisaket Sor Rungvisai. Ang dating World Boxing Council flyweight champion na tagumpay sa kanyang huling three fights para itala ang 50-5-1 rekord.
Sinabi ng kampo ni Ancajas na pinamumunuan ni MP Promotions chief Sean Gibbons na itutuloy nila ang laban kontra Rungvisai.
Ang iba pang pagpipilian para kay Ancajas, ayon kay Gibbons ay sina WBC at WBA super flyweight champion Juan Francisco Estrada at Nicaragua’s Roman “Chocolatito” Gonzalez.
Samantala, Mark magsayo ay umiskor ng fourth-round TKO laban kay Pablo Cruz sa kanilang featherweight bout.
Ang pride ng Tagbilaran ay nanateling undefeated sa 22 wins tampok ang 15 knockouts.

The post Ancajas napanatili ang titulo; Magsayo wagi by KO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ancajas napanatili ang titulo; Magsayo wagi by KO Ancajas napanatili ang titulo; Magsayo wagi by KO Reviewed by misfitgympal on Abril 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.