Facebook

TALISAY AT MANDAUE NAGPAMALAS AGAD NG LAKAS!

ALCANTARA — NAGHATID ng maugong na mensahe ang dalawang koponan matapos nilang magaang dispatsahin ang kanilang kalaban.

Dominasyon ang naging tema sa unang araw ng Visayas leg ng makasaysayang 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa impresibong panalo ng MJAS Zenith-Talisay City at KCS-Mandaue nitong Biyernes sa Alcantara Sports and Civic Center dito.
Ratsada ang Mandaue sa paghahabol sa Siquijor Mystics sa final period para maitarak ang 66-46 panalo sa main game ng double-header sa pagbubukas ng telon sa kauna-unahang professional basketball league sa South, sa pangangasiwa ng Games and Amusements Board (GAB).
Nagtala naman ng kasaysayan ang Talisay Aquastar nang tanghaling unang koponan na nakapagtala ng panalo sa pinakabagong pro league sa bansa sa dominanteng 104-66 paglampaso sa Tubigon Bohol Mariners sa unang laro.
Kumamada si Patrick Cabahug sa naiskor na 22 puntos mula sa 9-of-16 shooting, dalawang rebounds, isang assist at isang block para sandigan ang Aquastar sa malaking panalo sa liga na itinataguyod ng Chooks-to-Go. Umukit din ng kasaysayan si Paulo Hubalde bilang unang player na nakaiskor sa liga. Tumapos siya na may apat na puntos.
Nanguna sina dating Far Eastern University standout Gryann Mendoza at Al Francis Tamsi sa Mandaue sa naiskor na 17 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Umabot sa mahigit 20 puntos ang bentahe ng Mandaue sa unang tatlong period, ngunit nagawang makalapit ng Siquijor, pero nagpakatatag sa depensa ang KCS para makaalpas sa laban.
“Minamama kami lahat eh,” pahayag ni Manadaue coach Mika Reyes.
“Nagkakamali kami sa defense but we adjusted and ginawa nila ang dapat gawin. The right helpers came and we started fronting the post and that’s when we were able to pull away,” sambit ni Reyes, sinandigan ang Southwestern University-Phinma Cobras sa CESAFI men’s basketball crown nitong 2019.
Umabante naman ang Aquastars sa 59-32 sa halftime.
“Yung opensa namin, naging maayos kasi maganda yung depensa namin,” pahayag ni Talisay City head coach Aldrin Morante.
“Maraming lapses sa defense. Sa first period, marami silang fastbreak points at yung big men nila nakaka-score sa low post,” aniya.
Nag-ambag si Jan Jamon ng 14 puntos, habang kumana si Egie Mojica ng 11 puntos. Humirit din si Jaymar Gimpayanng 10 puntos, siyam na rebounds at tumipa si Jaymo Eguilos ng siyam na puntos, 11 rebounds, tatlong assists, isang steal, at isang blocks.
Nanguna si Pari Llagas sa Tubigon Bohol na may 19 puntos, anima na rebounds, apat na assists, at tatlong blocks, habang tumipa si Joseph Marquez ng 13 puntos at 11 rebounds.(Danny Simon)

The post TALISAY AT MANDAUE NAGPAMALAS AGAD NG LAKAS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
TALISAY AT MANDAUE NAGPAMALAS AGAD NG LAKAS! TALISAY AT MANDAUE NAGPAMALAS AGAD NG LAKAS! Reviewed by misfitgympal on Abril 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.