ODIONGAN , ROMBLON — TAMA si Sonny Trillanes. Kung buhay at malusog si Rodrigo Duterte, magtrabaho siya. Wala siyang karapatan na maging tamad at umiwas magpakita sa publiko. Hindi siya inihalal ng bayan noong 2016 upang maging isang patabaing baboy. Inihalal siya bilang pangulo upang pangunahan ang Filipinas at magtrabaho para sa bayan.
Ngayon, dalawang krisis ang kalaban ng bayan. Una, ang krisis ng pandemya kung saan lampas 10,000 kada araw ang nagkakasakit ng Covid-19. Walang magawa ang gobyerno upang masugpo ang mapinsalang virus Pangalawa, ang krisis sa soberenya kung saan 200 sasakyang pandagat ng China ang nakahimpil sa exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Walang magawa ang Filipinas upang mapaalis ang mga sasakyang pandagat ng mga Intsik habang inaangkin ng walang batayan ng China ang Julian Felipe Reef.
Walang makuhang bakuna si Duterte sa pandaigdigang pamilihan. Madalang ang dating ng mga bakuna na pawang donasyon mula China at Covax facility ng WHO. Hindi nabili si Duterte dahil wala siyang diskarte. Nakuha ng mga mauunlad na bansa ang 90% produksyon ng bakuna. Tulad ng nakagawian, huli sa pila ang Filipinas.
Nag-umpisa ang pangalawang sigwa ng Covid-19 noong unang linggo ng Marso nang biglang tumaas ang bilang ng mga nagkakasakit. Walang magawa si Duterte upang mapigil ang pagtaas. Mananatili ang malaking bilang ng mga nagkakasakit sa buong buwan ng Abril. Pinangangambahan na lalampas sa isang milyon ang kabuang bilang ng mga nagkasakit. Umabot na sa 900,000 ang mga nagkasakit.
Sa pagsalakay ng 200 sasakyang pandagat ng China sa WPS, walang magawa ang Filipinas sapagkat alam ng China na duwag si Duterte at hawak nila ito sa bayag. Kahit isinusumpa si Duterte ng sambayanang Filipino sa kanyang kataksilan, alam ng China na walang buto ang bangag na lider upang igiit ang karapatan ng Filipinas at labagin ang China.
Nagkasundo noong 2019 si Duterte at Xi Jin-ping sa isang pulong at pumayag si Duterte na huwag pigilan ang anumang galaw ng China sa WPS. Walang pinirmahang kasunduan ang dalawang lider ngunit iginiit ni Francis Tolentino na ratipikahin ng Senado and vernbal na kasunduan. Pinagtawanan si Tolentino. Wala siyang iniharap na anumang nakasulat na tratado na rarapikahin ng Senado.
Nawalan ang Filipinas ng batayang legal upang igiit ang karapatan ng Filipinas sa WPS, ayon kay Joe America, isang netizen. Aniya: “Analysis: Re China in WPS. The PH has few military tools, no strategy, and no appetite to fight. So leaders rely on the US to keep seas free. The US can sail around but has no legal basis to police the WPS. So China will go ahead and build up it’s eastern military base in WPS.”
Malutong ang sagot ni Vincent Eleazar, isang netizen na ang ama ay dating sundalo ng U.S. Air Force: “My dad (being a retired US Air Force) and I were talking about this issue for four consecutive days now, and the thing he said that sticks in my mind: ‘If Filipinos do not make a stand now, especially their [the Air Force], the Philippines will always be bullied and the U.S. can’t do a single thing.'”
Sa gitna ng lumalalang krisis, biglang nawala si Duterte ng walang dahilan. Walang opisyal paliwanag. Iipinagkakaila ni Bong Go, ang matapat na alalay, na maysakit si Duterte. Pasok ang bastos na si Harry Roque upang iginiit na “malusog” ang kanyang amo. Naglabas si Bong Go ng kung ano-anong larawan na halatang photoshopped, at video umano ni Duterte na nag-jogging sa Malacanang. Ngunit sa tingin ng maraming netizen, isang double ang tumatakbo. Mahirap magsinungaling sa bayan. Sangkaterbang tsismis tuloy ang kumalat.
Kaya tama si Sonny Trillanes. Kung walang diperensiya, magtrabaho siya. Humarap siya sa TV at magsalita. Pinakamaganda na sabihin niya ang kanyang paninindigan sa dalawang krisis. Ano ang kanyang gagawin sa nawawalang bakuna at paglusob ng mga Intsik sa WPS?
Gayunpaman, isa lang ang masasabi namin. Hindi lider pang-krisis si Duterte. Hindi niya kaya ang krisis. Sagana sa porma ngunit walang utak. Sakitin pa. Pinakawalang kuwentang pangulo si Duterte. Isang malaking pagkakamali ang ihalal siya noong 2016. Isa siyang malaking kabiguan.
***
MALULUTAS ang suliranin sa WPS. Hindi natatapos ang sitwasyon sa pagkawala o karuwagan ni Duterte. Ayon kay Sonny Trillanes, malulutas ang lumalalang sitwasyon kung gagawin ng Filipinas ang mga ilang hakbang sa larangan ng diplomasya at pulitika. Nang natapos ang kanyang termino sa Senado noong 2019, naging propesor ng public policy si Sonny Trillanes sa Ateneo University School of Governance at University of the Philippines.
Kailangan ang dalawang akmang galawang diplomatiko, ani Sonny Trillanes. Maaaring isagawa ang bilateral negotiations via frontchannel sa pamamagitan ng DFA o kaya blateral negotiations via backchannel, aniya. Kasama rin sa galawang diplomatiko ang multilateral negotiations with claimant states at kasama diyan ang Vietnam, Taiwan, Malaysia, at Indonesia na pawang may inaangking isla o teritoryo sa South China Sea.
Sa larangan ng pulitika, ipinapanukala ni Sonny Trillanes ang mas matinding pressure sa mass media at paglalatag ng opisyal na pahayag ng ASEAN at United Nations. Magandang paraan ito upang magkaroon ng iisang hanay sa pandaigdigang pamayanan kontra sa pag-aangkin ng China sa mga teritoryong hindi kanya.
Ipinaalala ni Sonny Trillanes na noong 2012, naharap ng administrasyon ni Noynoy Aquino sa siwasyon kung saan mahigit 80 hanggang 100 barko ang dumating sa Panatag Shoal. Naresolba ang suliranin ng pangunahan ni Sonny Trillanes and delegaasyon ng Fiipinas sa backchannel talks. Nabawasan ang mga barkong Intsik sa tatlo at nang hindi umalis, nagsakdal ang Filipinas sa UNCLOS Permanent Arbitral Commision. Nanalo ang Filipinas noong 2016 kahit mukhang namatayan ng tatay si dating DFA secretary Perfecto Yasap Jr. nang ihayag nya ang panalo ng Filipinas sa telebisyon.
***
IPINAPANUKALA namin sa pamilya ni Atty. Richard Cambe, ang namayapang dating chief of staff ni Bong Revilla, na lumantad sa publiko at linisin ang kanyang pangalan. Namatay si Cambe sa loob ng piitan. Siya ang nakulong at hindi si Bong Revilla. Ipinapanukala namin na ilabas ang totoong detalye ng P10 bilyon iskandalo sa PDAF na kinasasangkutan ni Bong Revilla.
Iisa ang depensa ni Bong Revilla. Huwad ang mga lagda sa mga kasulatan. Samakatuwid, bumagsak kay Cambe ang sisi. Siya ang nakulong habang lusot ang artista. Iba ang katapatan sa katotohanan. Natatapos ang katapatan sa sandaling nag-umpisa ang katotohanan. Hindi dapat lumabas na mandarambong si Cambe sa kasaysayan.
***
MGA PILING SALITA: “If the madman is physically and mentally fit – or alive – he should appear on television and berate his critics. Plain and simple.” – PL, netizen
“Who is this someone who can jog, walk and ride in a motorbike but can’t talk?” – Maria Perez
The post Magtrabaho ka! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: