HABANG abala ang gobyerno sa COVID-19 PANDEMIC ay tahimik na namamayagpag ang GAMBLING LORDS sa ating bansa sa kanilang SYNDICATED OPERATIONS na magreresulta sa pagbagsak sa LOTTO OPERATIONS na pinangangasiwaan ng PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO).., na ahensiyang isa sa mga inaasahan ng mga naghihirap na sambayanan para sa panahon ng mga kalamidad, sakuna, delubyo o tulad ngayong panahon ng pandemya.
Ngayong taon ay may bagong ONLINE SUGAL na LOTTO LUCKY PICK 3 (LLP3) na makatsamba ng 3 sa 6 winning numbers ng LOTTO RAFFLE ay may panalo ka na sa mas malaking halaga kumpara sa papremyo ng LOTTO… at ang naturang ONLINE GAMBLING OPERATION e mayroon silang HIRING ngayon… opo, nangangailangan sila ng mga AGENT, basta may android celfone ka puwede ka na maging AGENT o sa isang termino e KUBRADOR o tagapagpataya sa inyong mga lugar… siyempre ang premyo ng mananalo e makukuha sa pamagitan ng GCash.
Biruin nyo mga ka-ARYA, base sa post ng fb group ng LLP3 ay ganito po ang kanilang sistema…,
“Pumili ng TATLONG numero sa 1-45 kung ang draw ay 6/45, 1-42 kung ang draw ay 6/42 at 1-49 naman kung ang draw ay 6/49.
EXAMPLE: ang napili mo ay 8-16-25 Tapos ang lumabas ay, 45-16-22-8-25-30…, JACKPOT KA NA at ang tayaa ay
BET WIN
P25. – P7,500
P50 – P15,000
P100 – P30,000
P150 – P45,000
P200 – P60,000
P250 – P75,000
P300 – P90,000
BASTA MAY GCASH KA !
KUNG GUSTO MO MAG AGENT !
Pm na mga sesssshhh!!”
Yun nga lang inalam ko sa PCSO kung legit ba itong bagong ONLINE GAMBLING.., e ang sagot ng isang PCSO OFFICIAL ay illegal daw po ito at walang kinalaman ang PCSO.., na ang nasabing sistema ay noon lamang umano nalaman din ng nasabing opisyal na mayroon na palang ganung pasugal.
May ilan akong kakilala sa sirkulo ng ONLINE GAMBLING na nagsasabing hinde raw seryoso ang gobyerno sa pagsugpo sa mga illegal gambling kundi puro PRESS RELEASE lamang daw… tulad ng ONLINE SABONG na ang operator nito ay ang pamosong GL na si ATONG ANG…, na noong bago nagka-pandemya ay legal ang operasyon dahil may nakokolekta ang PCSO mula sa operasyon ng ONLINE SABONG ni ATONG ANG.., yun nga lang ay nahinto raw ang operasyon dahil sa pandemya.
Katulad din daw ito ng SMALL TOWN LOTTERY (STL) na ipinatigil ng gobyerno dahil hinde naman nag-iintrego sa PCSO kundi napupunta lang sa bulsa.ng iilang opisyal…, na pinatigil nga ng gobyerno pero sa mga probinsiya ay UMA-ARYA pa rin ang opersayon sa asiste ng PHILIPPINE ONLINE LOTTO AGENT ASSOCIATION Inc (POLAI). Mas gusto pa nga raw ito ng mga outlet kasi mas malaki kinikita nila kumpara sa nakukuha nila sa PCSO.
Ganundin daw ang ONLINE SABONG ay hinde naman daw ito napahinto sa panahon ng pandemya at sinasabing si ATONG ANG pa rin ang OPERtATOR nito.
Teka.., kung ang mga ito ay ilegal e bakit hinde nire-raid ng LAW ENFORCERS? So, kung hinahayaan lang ang mga ito ay nangangahulugang nakikinabang din ang LAW ENFOCERS sa sinasabing ILLEGAL GAMBLING.., at sabi nga ng mga nasa GAMBLING INDUSTRY ay hinde makakapag-operate ng matagalan ang ILLEGAL kung walang BASBAS sa mga kakutsabang GOVERNMENT OFFICIALS. Ang siste raw ay laging lulutang ang pangalan ni PCSO GENERAL MANAGER ROYINA GARMA na binasbasan na niya ang gayong mga operasyon.., kasi kung wala raw siyang basbas ay siguradong mag-aalburuto ito at magliliyab sa galit na ipare-raid at ipaaaresto nito ang mga ILLEGAL OPERATOR.
PAGING PCSO GM GARMA.., pakilinaw nga po itong mga impormasyon mula sa ILLEGAL GAMBLING OPERATIONS lalo na ang bagong ONLINE GAMBLING ngayon na LLP3 na pinalalabas ng mga bumubuo rito na LEGIT ito at may GO SIGNAL daw po mula sa PCSO?
Ang espasyo po ng ARYA ay maglalaan para po sa inyong magiging kapaliwanagan at higit para sa ikaaalam ng ating mga mambabasa.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Gambling lords namamayagpag sa Covid pandemic! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: