Facebook

Medical professionals, kailangan sa Maynila — Isko

SA gitna ng surge ng kaso coronavirus, ang kabisera ng bansa ay pinalalakas ang healthcare system nito sa pamamamagitan ng pagkuha ng mas marami pang medical at health care professionals, at may panawagan sa sinumang interesadong mag-apply na dapat na magkaroon ng puso sa kanyang papasukang trabaho.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na sa loob ng nakalipas na dalawang linggo ay pinirmahan na niya ang appointment papers ng may 30 doctors, nurses at medical technologists na kailangang-kailangan sa panahon ngayon.

Inaasahan na magbibigay ng karagdagang pwersa ang mga bagong pasok na medical personnel sa kasalukuyang bilang ng mga medical frontliners na nagsisilbi sa lungsod at mababawasan nito ang bigat ng trabaho ng mga kasalukuyang nagtatrabaho sa anim na city-run hospitals, ayon pa alkalde.

“Kung gusto ninyong maglingkod sa bayan, we are hiring. We will not stop hiring to reinforce our medical institutions. Nais naming lalo pang palakasin ang ating mga ospital at nang hindi masyadong gastado ang mga health workers. Para maging maganda ang shifting ng mga doktor, marami sa kanila pagod na pagod na but we canot stop serving the people,” ayon kay Moreno.

Sa kabila na wini-welcome ng pamahalaang lungsod ang mga aplikante, si Moreno ay nananawagan sa mga mag-a-apply na ihanda ang sarili sa pagbibigay ng lubos ng pang-unawa at pasensya sa mga pasyente.

“Sana, bago kayo pumasok sa public service, pinauuna ko na, mahirap maglingkod sa taumbayan dahil umaasa sila ng mahabang pang-unawa. Di pwede nakasimangot, bumubulyaw o mapikon dahil tayo ay pagod na dahil mas pagod ang taumbayan emotionally, psychologically and physically. Higit sa lahat, economically,” sabi ni Moreno.

Binigyang diin ni Moreno na maganda ang benipisyo ng nagtatrabaho sa gobyerno, bukod pa sa pagkakataong ibinibigay upang makapaglingkod sa taumbayan.

“Kailangan lamang nating habaan ang pasensiya at pang-unawa ang pairalin. Bago kayo pumasok sa pamahalaan, tanungin ninyo ang inyong sarili. Are you ready to serve? Because the people deserve beter things from government,” pagdidiin ni Moreno. (ANDI GARCIA)

The post Medical professionals, kailangan sa Maynila — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Medical professionals, kailangan sa Maynila — Isko Medical professionals, kailangan sa Maynila — Isko Reviewed by misfitgympal on Abril 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.