Facebook

Bong Go sa LGUs: Pagbabakuna gawing episyente, mahabang pila iwasan

IPINAALALA ni Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go sa local government units at sa mga namamahala ng vaccination centers na ipatupad ang episyente o maayos na paraan ng pagbabakuna.

Iginiit din niya sa pamahalaan na dagdagan at magpakalat pa ng mga awtorisadong vaccination spots para mapaikli ang paghihintay o maiwasan ang mahabang pila ng mga nais magpabakuna laban sa COVID-19.

“While we want to vaccinate as many people as we can, we still need to ensure their health and safety while they are in the process of getting vaccinated,” ayon kay Go.

Ipinaalala rin niya sa Department of Health, LGUs, at iba pang concerned authorities na linawin o ayusin ang kanilang vaccination protocols para maiwasan ang mga abala o delay sa rollout.

“Dapat siguraduhin natin na we are conducting the inoculation in an orderly manner, so we can ensure everyone’s health while they are receiving the vaccines. Ang main goal natin ngayon is to flatten the curve and vaccinate as many Filipinos in accordance with the priority list,” idiniin ni Go.

Sinabi ng senador na dapat masunod ang “order of priority” at wala dapat nabibigyan ng VIP o special treatment sa pagbabakuna.

“Dapat sumunod tayo sa priority list na nilatag ng gobyerno para sundin rin po ng lahat ang ating mga patakaran. Ayaw ko na mayro’ng magpapa-VIP, lalung lalo na po dito sa pagbabakuna. Unahin muna natin ang mga frontliners. Tapusin muna natin silang mabakunahan,” anang mambabatas.

“Kung tapos na po sila o nag-yield na ‘yung iba, ibig sabihin, ayaw nilang magpabakuna, saka na po bababa doon sa mga … A2, A3, senior citizens at itong mga may comorbidities,” aniya.

Ayon sa senador, kung masusunod ang priority list ay mas magiging mabilis ang pagbabakuna sa lahat hanggang sa maabot ng bansa ang herd immunity.

“Dapat ma-consume na rin po ‘yang mga (available na) bakuna para po maayos ang rollout… naka-spread all around the country, especially sa NCR Plus na talagang umaangat ‘yung numero. So, dapat po’y bilisan natin ang pagbabakuna,” patuloy ng senador.

Hinimok niya ang publiko na agad nang magpabakuna kung sila ay eligible.

“Sabi ko nga, magtiwala kayo sa bakuna. Huwag kayong matakot sa bakuna. Matakot kayo sa COVID-19. Ang bakuna po ang tanging solusyon o susi natin dito para malampasan natin itong problemang ito … bakuna po ang tanging paraan na ma-attain po natin ‘yung herd immunity sa community,” ayon kay Go. (PFT Team)

The post Bong Go sa LGUs: Pagbabakuna gawing episyente, mahabang pila iwasan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa LGUs: Pagbabakuna gawing episyente, mahabang pila iwasan Bong Go sa LGUs: Pagbabakuna gawing episyente, mahabang pila iwasan Reviewed by misfitgympal on Abril 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.