Facebook

PDuterte, nananatiling malakas, malusog, ‘on top of the situation’ — Bong Go

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na nasa maayos na kalagayan si President Rodrigo Duterte sa harap ng mga malisyosong balita ukol sa estado ng kalusugan ng Chief Executive.

Mariing sinabi ni Go na patuloy na nagagampanan ng Pangulo ang kanyang tungkulin at nananatiling “on top of the situation” para pangunahan ang bansa para makabangon sa COVID-19 crisis.

“Matagal na pong timon ng ating bansa si Pangulong Duterte. Iisa lang ang Pangulo ng ating bansa. Dapat protektahan natin ang seguridad ng ating mahal na Pangulo,” ang sabi ni Go.

“Sa mga kapwa kong Pilipino na naghahanap kay Pangulong Duterte at tunay na nagmamalasakit sa kanyang sitwasyon, huwag kayong mag-alala dahil maayos ang kalagayan ni Tatay Digong. Araw-araw niyang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo at Ama ng bansa,” patuloy ng senador.

Kasabay nito’y binalaan ni Go ang mga nagpapakalat ng malisyosong balita hinggil sa kalagayan ng Pangulo.

Sinabi ni Go na sa kabila ng mga hamon, nananatiling nakapokus ang Pangulo sa pagnanais na makaalpas ang bansa sa pandemya at maibangon muli ang ekonomiya.

“Gusto niyo ba siyang mapahamak? Alam niyo, plastik ang tawag diyan. Sa mga taong nagmamadali, huwag kayong impatient. Mag-antay kayo sa tamang panahon. Unahin muna natin na malampasan ang pandemyang ito,” ayon kay Go.

“Sana, kung naghahanap ang iilan diyan sa Pangulo, ito ay dahil tunay kayong nag-aalala sa kalagayan ng Ama ng ating bansa … Ipanalangin ninyo dapat ang kanyang maayos na kalagayan, hindi ang kanyang kapahamakan,” pagdidiin ng senador.

Nanawsagan si Go sa lahat ng Filipino na ipagdasal ang bansa, gayundin ang Pangulo sa panahon ng krisis.

“Hindi ito ang panahon ng pagsisihan kundi panahon po ng pagtutulungan. Dapat ipagdasal natin ang ating kapwa Pilipino at ipagdasal natin ang ating mahal na Pangulo. Ang ating mahal na Pangulong Duterte ang totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanyang kapwa Pilipino,” sabi ni Go. (PFT Team)

The post PDuterte, nananatiling malakas, malusog, ‘on top of the situation’ — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PDuterte, nananatiling malakas, malusog, ‘on top of the situation’ — Bong Go PDuterte, nananatiling malakas, malusog, ‘on top of the situation’ — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Abril 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.