Facebook

Floating community pantry’ sa dagat sa CamSur

HIGIT 75 mangingisda ang nabigyan ng ayuda sa gitna ng dagat sa Balatan, Camarines Sur sa inilunsad na “floating community pantry” ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lalawigan.
Ayon kay Lt. Ailene Abanilla, commander ng PCG sa Camarines Sur, naisipan nilang hatiran ng pagkain ang mga mangingisda dahil ilang araw natigil ang mga ito sa pangingisda dahil sa bagyong Bising.
Kabilang sa mga ipinamahagi sa mga mangingisda ang bigas, itlog, gulay, canned goods at noodles.
Mismong mga miyembro ng Coast Guard ang nag-ambagan para sa ayuda. May natanggap din silang donasyon mula sa mga pribadong indibiduwal at grupo.
Ayon kay Abanilla, magbibigay din sila ng ayuda sa iba pang mangingisda sa probinsiya sa mga susunod na araw.
Ang inisyatiba ng Coast Guard ay hango sa community pantry movement, kungsaan nagbibigay ang mga Pinoy ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin para libreng kuhanin ng mga nangangailangang kababayan.
Nag-umpisa ito sa Maginhawa Street sa Quezon City hanggang sa daan-daang pantry na ang sumulpot sa ibang bahagi ng bansa.(Jocelyn Domenden)

The post Floating community pantry’ sa dagat sa CamSur appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Floating community pantry’ sa dagat sa CamSur Floating community pantry’ sa dagat sa CamSur Reviewed by misfitgympal on Abril 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.