Facebook

Pagbaril sa truck driver hagip ng CCTV sa Maynila, hired-killer mula Batangas timbog

PATAY ang isang truck driver nang pagbabarilin sa Paco, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Elbert Silva.
Sa kuha ng CCTV, kita si Silva na naglalakad kasama ang dalawa pa papunta sana ng trabaho nang sumulpot ang isang lalaki sa kanyang likura at pinaputukan siya sa ulo.
Nakahandusay na ang biktima ay muli itong binaril ng lalaki sa ulo.
Kinilala ang salarin na si Nestor Perez, na nakita rin sa CCTV na tumatakbo bitbit ang isang bag na may lamang baril papunta sa kasama nitong naka-motorsiklo.
Nagtangka pa si Perez na tumakas gamit ang isa pang motor ngunit nahabol ito at kinuyog ng mga residente sa Paco.
Agad nahuli ng mga otoridad si Perez at napag-alamang ga-ling pa itong Tanauan, Batangas at nagtungo lamang sa Maynila para patayin si Silva dahil sa pangangailangan nito sa pera.
Sabi ni Perez, ginawa niya ito dahil inalok siya ng kanyang kasama na si Alfredo Curita ng P100,000 para patayin si Silva.
Samantala, nag-alok ng pabuya si Manila Mayor Isko Moreno ng P200,000 sa makakapagturo ng kinaroroo-nan ni Curita. (Jocelyn Domenden)

The post Pagbaril sa truck driver hagip ng CCTV sa Maynila, hired-killer mula Batangas timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagbaril sa truck driver hagip ng CCTV sa Maynila, hired-killer mula Batangas timbog Pagbaril sa truck driver hagip ng CCTV sa Maynila, hired-killer mula Batangas timbog Reviewed by misfitgympal on Abril 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.