BINIGYAN-DIIN ng Malakanyang na hindi pa makakapagpulong ang Gabinete ni Pangulong Duterte dahil nasa ilalim pa ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region( NCR)
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit nakalalahok ang ilang kalihim sa “Talk to the People” ni Duterte ay dapat pa rin nilang sumunod sa mga ipanapairal na health protocols ukol sa dami ng pwedeng magtipon sa MECQ.
“Nasa MECQ pa po tayo kaya mahirap na magkaroon ng Cabinet meeting dahil limited tayo to 10 or 10 percent no. of the capacity, eh marami kaming mga miyembro ng Gabinete,” ani Roque.
“So, sa ngayon po, nakikita ninyo naman na hangga’t maaari, iniimbitahan ang maraming mga kalihim para magbigay ng ulat sa kanila, sa taumbayan kung ano iyong ginagawa ng kanilang mga opisina,” dagdag pa ni Roque. (Josephine Patricio)
The post Gabinete hindi pa makapagpulong – Sec. Roque appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: