Facebook

Gobyerno “asar” sa community pantries

MISTULANG naasar ang ilang opisyal ng gobyerno sa pagsulputan ng community pantries, na sa tingin ng marami ay bunga ng kapalpakan ng mga namumuno sa pamahalaan.

Oo! sinisilipan ngayon ang ilang naglagay ng community pantries sa Quezon City partikukar sa Maginhawa na pinatatakbo ng isang residente na si Patricia Non.

Itinigil nitong Martes ni Non ang kanilang community pantries dahil sa pangamba sa kanilang buhay, matapos silang i-“red tag” na komunista.

Ayon kay Non, pinuntahan sila ng ilang pulis, kinuha ang kanyang contact number at tinanong kung anong organisasyon siya. Ito’y matapos ipahayag ni Usec. Lorraine Badoy na ang nasa likod ng nagpapatakbo ng community pantries ay mga komunista na ang layunin ay ipahiya o siraan ang gobyerno.

Sinabi ni Non na hiningi na nila ang tulong ni Quezon City Mayor Joy Belmonte hinggil sa “red tagging” sa kanila.

Kaagad namang naglabas ng statement si PNP Chief, General Debold Sinas. Hindi aniya pino-profiling ang mga nasa likod ng community pantries.

Sa kabilang banda, naglabas ng pahayag ang Department of Interior ang local Government (DILG) na ang mga mag-o-operate ng community pantries ay kailangan kumuha ng permit sa relevant government agencies bago makapag-operate. Aray ko!

Dahil sa biglang tigil ng mga community pantry ng Maginhawa, umuwing luhaan ang mga maagang nag-abang sa pagbukas ng “libreng tindahan” nitong Martes ng umaga.

At dahil din sa anunsyo ng DILG na kailangan ang permit para makapag-operate ng community pantry, umani ng mga mura at brutal na reaksyon ng netizens ang gobyerno.

Saan pa nga sila kukuha ng libreng malalapang nang walang anumang requirements at katanungan ngayong natigil ang community pantries sa kanilang lugar?

Sa community pantries ni Non ay bumubuhos ang maraming iba’t ibang donasyong gulay, prutas, isda, bigas, delata, noodles mula sa mga may ginintuang pusong mamamayan na nakaluluwag sa buhay. Maging ang mga magsasaka at mangingisda sa Rizal at Tagaytay City ay nag-donate ng kanilang mga produkto.

Dahil sa trending na community pantry sa Maginhawa, na-inspire ang maraming barangay sa mga lungsod sa Metro Manila at maging sa mga probinsiya, naglagay din ng kani-kanilang pantry, kungsaan natighaw ang gutom ng mahihirap na nawalan ng trabaho sa higit isang taon nang community quarantine dulot ng pandemya sa Covid-19.

Ang paglawak ng community pantry ay sinamantala naman ng mga kritiko ng administrasyon. Na kaya anila nabuhay ang diwa ng “bayanihan” ay bunga narin sa kapalpakan ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng pandemya.

Masakit ito sa pakiramdam ng administrasyong Duterte na nakapangutang na ng ilang trilyon para labanan kuno ang Covid-19 ngunit ‘di ramdam ng mamamayan.

Pero in fairnes sa gobyerno, simula nang pumutok ang Covid-19 noong Marso 2020 at isailalim sa lockdown ang bansa, nakapagpamigay na ito sa mga apektadong mamamayan ng tig-P5K to P8K last year, sumunod P16K sa SAP 2 early 2021, at P1K to P4K sa mga lugar under ECQ nitong kaagahan ng Abril.

Ngunit ang mga ayudang ito ay hindi sapat sa higit isang taon nang walang trabaho ang maraming trabahador. Saan nga ba sila kukuha ng makakain? Hanggang isang magsasaka sa Tarlac ang naglagay ng mga gulay at kamote sa kanyang kariton sa harap ng kanilang bahayat pinamimigay kungsaan may nakapaskil na: “Kumuha batay sa pangangailangan” at “Magbigay ayon sa kakayanan”. Kumalat ito sa social media at nag-inspire sa maraming may ginintuang puso na maglagay narin ng community pantry sa kanilang barangay. At ngayon nga ay pinag-iinitan ng gobyerno ang community pantry. You know!

The post Gobyerno “asar” sa community pantries appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gobyerno “asar” sa community pantries Gobyerno “asar” sa community pantries Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.