Facebook

JM type na magkadyowa ulit, balak na totohanin si Arci

Ni JOVI LLOZA

HINDI naitanggi ni JM De Guzman kung bakit hindi natuloy ang romansa nito dati at nauwi lang sa hiwalayan.

Si Jessy Mendiola ang tinutukoy nito na nakipaghiwalay ito na wala itong sinisisi sa nangyari sa dating relasyon limang taon na ang nakakaraan.

Inamin din ni JM na nakaranas siya ng matinding depresyon na true na parang naparalisa ito.

Pero this time nagtapat si JM sa isang panayam na tila na gusto na nitong magkadyowa.

Tututukan niya muna raw ang kanyang career at makabili ng bahay at kapag okey na ay saka pa lang ito dadako sa mga plano pa nito sa kanyang buhay.

Mukha naman daw in-love ai JM at ready at handa na  ito magkadyowa ulit para may inspirasyon.

Asked naman ng netizens na hindi pa ba sila ni Arci Muñoz dahil sa mga post pics kasi eh grabe ang pagiging sanggang dikit nila.

Kaya naman naiugnay sa aktor ang aktres.

Puwede naman maging sila at pareho silang walang commitments isa  kaya nai-link sila sa isa’t isa.

Pagmamalaki pa ni JM na college pa lang ay magkakilala na sila ni Arci.

Kaya komento ng netizen na huwag na raw magtaka kung magtapat na si JM na tinamaan na siya kay Arci.

***

Ogie at Regine, nagpabakuna na

TAGUMPAY naman ang isinagawang pagbabakuna ng ilang celebrities para protektado na sila sa Covid 19.

Ibinandera naman ni Coney Reyesm ina ng Pasig Mayor na si Vico Sotto na certified na nabakunahan na.

Naka-post din sa socmed ni Ogie Alcasid at asawang si Regine Velasquez ang kanilang pagbabakuna.

Ayon sa celebrity couple, kumuha sila ng comomorbidity sa QC Hall kaya naman sila na-prioritize na mabakunahan para sa first dosage.

Hindi naman tinukoy ng celebrity couple na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta kung bakit  napasama sila sa priority.

Pero nagpasalamat si Jolens na finally eh may panlaban na sila sa killer virus.

Well, well, well…’Yun na!

The post JM type na magkadyowa ulit, balak na totohanin si Arci appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
JM type na magkadyowa ulit, balak na totohanin si Arci JM type na magkadyowa ulit, balak na totohanin si Arci Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.