Facebook

Katrina nagtapat, wala nang kilig sa mga kelot

Ni GERRY OCAMPO

KUNG noon ay madaling kiligin si Katrina Halili, pero ngayon ay nawala na raw ito dahil manhid na ang kanyang puso. Ito raw ang nararamdaman niya dahil hindi na siya kinikilig sa mga lalake.

Noon daw kapag crush niya ang guy ay kaagad na kikiligin siya. Pero ngayon ay mistulang naglaho na raw ang kilig sa kanyang katawan.

“Ang hirap naman. Wala talaga akong  kilig sa kanila. Wala na akong maalala. Burado  na sila,” nakangiting say ni Katrina.

Ang natatandaan niyang huling kinilig siya ay nang makilala niya ang isang masugid na lalaking manliligaw sa Boracay. Pero sa tagal na raw noon ay hindi na muling bumalik ang kilig niya sa katawan.

“Ngayon, okey na ako kasama ang anak kong si Katie.Yakap at halik ng anak ko ang kailangan ko at hindi sa kung sinong lalake,” pagdidiin pa ni Katrina na laging bukas ang palad sa mga nangangailangan ng tulong.

***

Heart  bitbit ang alagang aso at branded na gamit sa  taping

HANDA nang sumabak sa lock-in taping ng bagong serye ni Heart Evangelista sa GMA 7. At bilang paghahanda sa lock-in taping ay bibitbitin niya ang alagang aso at mga branded na kagamitan.

Ang serye niyang I Left My Heart In Sorsogon ay kasama sa 100 na bagong programa ng Kapuso Network ngayong 2021.

Feeling safe naman si Heart dahil sa Sorsogon kukunan ang mga eksena na kung saan Gobernador ang kanyang husband na si  Chiz Escudero.

Excited nang ipakita ni Heart ang mga magagandang lugar sa Sorsogon na siguradong makikita ng mga viewers.

May kahilingan lang si Heart  sa hotel na kanilang tutuluyan.

“ I  spoke to the owner of the hotel  if they can allow Panda to be with me. Because  she will die (without me)! After the lockdown, we`ve been  together  for so long. She cannot live without  me and I cannot  live without  her,”  pahayag ni Heart

Ang  Panda ay ang alagang aso ni Heart  na isang asong Pinoy. Sa mga Instagram post ng actress ay makikita laging kasama nito ang alagang aso.

Bukod sa bitbit na aso ay dadalhin din ni Heart ang kanyang laptop at speaker sa taping.

“ I definitely  need speakers  because  I  need my music,” aniya.

Ang laptop naman ay para sa kanyang vlogs, “My laptop because I need  to edit  my vlogs. I have continue my life  outside  my soap. I will continue may vlogs,” say ni Heart.

Ang inaabangan pa sa bagong serye ni Heart ay ang pagpapakita niya ng mga personal na clothes and accessories. Paniniguro pa ni Heart na mabubusog daw ang mga mata sa mga outfits na kanyang isusuot.

“I`ve  been  also  fixing my wardrobe because my  character  is almost   like me. So lahat ng mga dati  kong mga gamit, nilalabas namin sa  archive, arranging  everything from accessories to everything,” aniya.

“ I`ve  also  been doing Chanel  vintage  shopping. Really  I`m  investing  a lot  to my wardrobe  for  the soap,” patuloy pa niya.

Sinuguro rin ni Heart na iba-iba ang brand na kanyang isusuot  sa serye.

“I`m  working  with a  lot of  brands. So I feel  that this  is the perfect time  for  us to  all  get together  and have really  nice outfit for this soap. Every scene will  be  so good  so this  makes  me very excited,” say pa ng actress.

Sina Richard Yap at Paolo Contis ang magiging leading men niya sa “I Left My Heart In Sorsogon.”

The post Katrina nagtapat, wala nang kilig sa mga kelot appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Katrina nagtapat, wala nang kilig sa mga kelot Katrina nagtapat, wala nang kilig sa mga kelot Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.