Facebook

Pinoy podcaster na si MJ Racadio, bongga ang mga achievement sa Tate

Ni ROMMEL GONZALES

ILANG araw lang mula nang na-launch ang “The Howie Severino Podcast” — hosted by GMA News pillar Howie Severino — ay nasa number one trending podcast na agad ito ng Spotify Philippines!

Matatandaang noong nakaraang linggo, nakuha nito ang ang ika-apat na spot sa Spotify Philippines Trending Podcast list. Top spot din ang first original podcast produced ng GMA Public Affairs sa “Society and Culture” genre ng nasabing streaming platform.

Hindi rin nagpahuli sa pakikinig ang Apple users dahil noong nakaraang Biyernes (April 8), isang araw lang mula sa launch ng first episode ni Howie ay nag-No. 2 ito sa most trending local podcast sa Apple.

Tampok sa weekly podcast ang insightful conversations ni Howie kasama ang mga personalidad mula sa iba’t ibang industriya.

Sa unang episode nito ay nakasama niya ang GMA News Pillar and award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho. Sa second episode naman ay special guest ni Howie ang spokesperson ng Philippine General Hospital at COVID-19 survivor na si Dr. Jonas del Rosario.

Mapakikinggan nang libre ang “The Howie Severino Podcast” tuwing Huwebes sa iba’t ibang digital streaming platforms.

***

ISANG sikat na Hollywood blogger at podcaster si MJ Racadio na may ilo–launch na podcast show, ang Blogtalk with MJ Racadio sa ilalim ng Cut! Print. Podcast Network na mapapanood linggu-linggo.

Bukod dito ay kilala rin si MJ bilang isang award-winning social media reporter, EBC international correspondent, celebrity blogger, publicist at singer.

Seven years ng residente sa Los Angeles California si MJ na nakagawa ng sarili niyang pangalan doon bilang miyembro ng Los Angeles Press Club.

Bonggadera si MJ dahil iba’t ibang International events na ang napuntahan niya at nakapag-interview na ng mga kilalang international celebrities tulad nina Bruno Mars at Darren Criss na parehong may dugong-Pilipino.

Pero kahit sanay na siya na makaharap ang mga kilalang international celebrities, may mga pagkakataon pa rin daw na nao-overwhelm pa rin siya kapag dumadalo sa mga events na may mga Hollywood personalities.

“Sometimes it still blows me away, like for example, during the Golden Globes, when I applied for my credentials and received their approval several days later, I was like, ‘Wow!’

“To be able to be part of that. And now I ‘am really getting ready for the Oscars.”

Exciting daw maging bahagi ng naturang awards ceremonies at mainterbyu kahit virtually ang mga nominado.

Nakausap na ni MJ si Aaron Sorkin na sumulat at director ng The Trial Of The Chicago 7 na nominado at nanalong Best Screenplay sa Golden Globes at nominado rin sa Academy Awards at marami pang iba.

Nakapanayam na rin ni MJ si  Steve Harvey na kilalang-kilala nating mga Pinoy dahil si Steve ang host ng Miss Universe nong 2015 kung saan nanalo si Pia Wurtzbach.

Speaking of Miss Universe, ikinalungkot ni MJ na hindi siya makakapunta sa Hollywood City sa Florida, USA para i-cover ang Miss Universe 2020 pero siyempre, todo ang suporta ni MJ sa kandidata ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Samantala, ang iba pang chart-topping podcast shows tulad ng Sleeping Pill with Inka Magnaye (#1 on Spotify), Jett’s Talk Show (hosted by rocklegend Jett Pangan), It’s the Round Table (hosted by Brian Bonnie), Pop Emergency (hosted by Alwyn and Adrian), Covert Operations (hosted by Spade JM, V and Kurt Garcia), Jeck Talks Tech (the #1 tech news podcast in the country) at marami pang iba ang handog ng Cut! Print Podcast Network.

Layunin ng Cut! Print na makapagbigay ng matitinong podcast content ng mga Pinoy na podcaster upang maibahagi ang kanilang talento sa publiko.

Speaking of Fiipino achievers, si MJ rin ang nagpasimula ng 75 Most Influential Filipino-Americans.

“Because I wanted everybody to know about Filipinos that make it big in the US. I want the hard work of Filipino-Americans in the US to be recognized,” sinabi pa ni MJ na siya raw dahilan kung bakit niya ito binuo at sinimulan.

Samantala, nataon ang paglulunsad ng Blogtalk with MJ Racadio sa nalalapit na selebrasyon ng Filipino-American History Month sa Amerika. Labis nga ang pasasalamat ni MJ sa Cut! Print. Podcast sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maging isa sa podcasters nito.

The post Pinoy podcaster na si MJ Racadio, bongga ang mga achievement sa Tate appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pinoy podcaster na si MJ Racadio, bongga ang mga achievement sa Tate Pinoy podcaster na si MJ Racadio, bongga ang mga achievement sa Tate Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.