Facebook

EA nagseselos na sa sobrang closeness nina Shaira at Ruru

Ni WALLY PERALTA

SA sobrang sweet sa isa’t isa nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa programa nilang “The Lost Recipe” ng GTV, marami ang kinilig at umaasa na magiging sila na rin sa totoong buhay.

Walang tsika kung merong syota si Mikee o wala, samantalang si Kelvin ay aminadong single and willing to mingle.

Pero kahit gustung-gusto ng kanilang mga followers na maging sila ay nasa friendship stage pa rin ang dalawa.

“There is no pressure naman. I’m happy at kinikilig ako na nakikita nila ‘yon. That means we may be doing something right, right? As in, kung tinatanggap ang isang love team in that way, I think we’re doing our jobs right. But it doesn’t feel like we’re okay,” sabi ni Mikee.

Ano naman kaya ang masasabi ni Mikee na naging klik sa masa ang kanilang first team up ni Kelvin at nag-trending pa ito? At sa mga komentong pinupukol sa kanilang show ay karamihan ay kilig na kilig sa kanilang tambalan?

“So ‘yun ang best gift doon, na okay kami sa isa’t isa at na-e-enjoy namin ‘yung trabaho together. Doon muna tayo ngayon.

It’s kinda like magic. I think that’s where the magic comes from din, na hindi kami nagpapa-pressure,” saad pa rin ni Mikee.

Maging ang kanyang leading man ay pabor sa naging tugon ni Mikee.

“Alam naman ng followers namin kung nasaang stage kami. Kasi magkakaroon ka lang naman ng pressure once na hindi mo alam kung nasaan ka? Pero once na alam mo at naiintindihan mo ‘yung mga nangyayari, magiging masaya ka,” sabi ni Kelvin.

Matapos magpakilig sa fans sa “The Lost Recipe,” nag-duet naman sina Kelvin at Mikee para sa “Two of a Kind” under GMA Music.

***

MUKHANG malayo pa ang mararating ng tambalan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz dahil sa sunud-sunod ang mga project na silang dalawa ang magkasama.

Una na rito nang mag-guest sila as loveteam sa “The Lost Recipe” nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, na nasundan sa isang episode ng “I Can See You: Season 2” na  pinamagatang “On My Way To  You”.

At ngayon nga ay abala ang dalawa sa lock in taping ng teleseryeng sila ang magkatambal, ang “Lolong”.

May tsikang marami ang kinilig sa tambalan nina Ruru at Shaira sa ICSY at naging sanhi umano ng pagseselos ng real life boypren ni Shaira na si Edgar Allan de Guzman?

“Yung love team n’ya with Ruru, support naman ako sa kanila. Pinanood ko rin ‘yung episode nila sa ‘I Can See You,’ and pati ako kinilig. ‘Yung tandem nila may kilig at pareho silang mahusay na mga aktor,” say ni Edgar Allan.

May selos pa bang nararamdaman si Edgar Allan sa nobya, kahit pa secured na ang feelings nila sa isa’t isa?

“Yes, normal naman ‘yon at lahat naman tayo nagseselos at some point in our lives. After a while mare-realize mo na mali ‘yon, nangyari ‘yon sa amin at ‘di ko ide-deny ‘yon. Still, asan na kami ngayon, andito at nag-iintindihan pa rin.

Para sa akin, isa ‘yon sa mga dadaanan n’yo para mas maging malaki ang trust n’yo sa isa’t isa,” dagdag na say ng magaling na aktor.

Kung abala si Shaira sa “Lolong” ay abalang-abala naman si Edgar Allan sa bago niyang serye sa GTV, sister company ng GMA-7, ang “Heartful Cafe” kasama sina Julie Anne Santos at David Licauco.

The post EA nagseselos na sa sobrang closeness nina Shaira at Ruru appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EA nagseselos na sa sobrang closeness nina Shaira at Ruru EA nagseselos na sa sobrang closeness nina Shaira at Ruru Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.