Facebook

Alwyn nag-emote sa social media matapos umiyak sa video ang misis na si Jennica

Ni ARCHIE LIAO

MARAMI ang nahihiwagaan sa malalim na mensahe ni Alwyn Uytingco pagkatapos lumabas ang pag-iyak ni Jennica Garcia sa isang video.

Sa nasabi kasing viral video, yakap ni Jennica ang kanilang mga anak habang humagulhol.

Sa mensahe niya, lilipat daw siya sa bahay ng inang si Jean Garcia pagkatapos na ma-test silang negative sa Covid-19.

Pagkatapos ng post ng asawa, naglabas naman ng kanyang emote si Alwyn.

May kinalaman ang kanyang post sa kanilang pinagdaraanang mag-asawa na sa huli ay nang-eengganyong lumaban at huwag mawalan ng pag-asa.

“Sa paglalakbay ng buhay, may paakyat.. may pababa. May pa-diretso, may pa-liko. May patag, may lubak. May payapang pag-agos ng alon, may malakas na kulog at kidlat ng kalangitan. Ano man ang ibigay sayo ng buhay. Wag mong bibitawan ang mga salitang “ok lang, may bukas”. Pumikit. Huminga. Lumaban ulit,” post ni Alwyn.

Nag-react naman sa kanyang post ang ilang netizens na nakikisimpatiya sa kanyang kalagayan at nagpayong magpakatatag.

Matatandaang sumulat si Jennica ng open letter sa kanyang mga anak na nag-circulate sa social media.

“Athena and Severina, know that Nanay has no regrets. Yes, I get scared when I think about the coming months and years because this is not how I planned the two of you to grow up. But despite the heartache I am going through, I am able to keep the Joy in my heart and will continue to praise God with every cry,” aniya.

“Because even if my plans have failed, I know that our loving Father’s plan for us is always good. His decision to allow this to happen in our life is not to destroy us. Never to destroy us mga anak. Instead of sadness, let’s rejoice because God is close to the brokenhearted,” dugtong niya.

Dahil dito, naging subject ng rumors ng mga kate-katera ang dalawa na nagsasabing hiwalay na umano ang showbiz couple.

Nalagay din sa alanganin si Alwyn nang magtanong si Jennica kung paano babaguhin ang kanyang pangalan sa kanyang Facebook page na idro-drop nito ang apelyidong Uytingco.

Sinundan naman ito ng cryptic post ni Alwyn tungkol sa pagtalikod o running away.

The post Alwyn nag-emote sa social media matapos umiyak sa video ang misis na si Jennica appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Alwyn nag-emote sa social media matapos umiyak sa video ang misis na si Jennica Alwyn nag-emote sa social media matapos umiyak sa video ang misis na si Jennica Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.