Facebook

Krisis ni Duterte

ODIONGAN , ROMBLON — HUWAG maliitin ang mga naglipanang community pantry sa buong Filipinas. Hindi sila bunga ng anumang plano ng kung sinong grupo – kanan, kaliwa, o kung ano pa man. Bahagi sila ng kumukusang pagpapakita ng kagandahang loob. Bahagi ito ng diwa ng bayanihan ng mga Filipino. Pagtutulungan, sa isang kataga.

Hindi ito relasyon ng mga mayaman at mahirap. Pare-parehong mga nagdarahop. Ibinabahagi ang kung ano ang sobra sa kanila sa mga kinukulang. Ngunit pagtutulungan pa rin. Isa itong sampal sa gobyerno Duterte na sa pakiwari nila ay inutil at walang silbi.

Magtiwala sa ginintuang loob ng sambayanan at maging sa sansinukob. Hindi ito plano ng CPP-NPA-NDF. Hindi ito galing sa mga taga-suporta ni Duterte. Walang kaabog-abog, biglang naisip ni Ana Patricia Non. Nagklik kasi may pangangailangan. Ginaya dahil may silbi.

Sumakay ang mga pulitiko. Maski ang mga mapapel at walang silbi. May kanya-kanyang kuro-kuro na ang akala mo ay napakagagaling. Pero nang nasa kasagsagan ng pandemya, wala silang sinasabi at pawang malamig pa sa ilong ng pusa ang asal. Ngayon, biglang nagbibida-bidahan.

Hindi rin nawawala ang mga pumapapel na tagapag-tanggol ng gobyernong palpak ni Rodrigo Duterte. Gawa umano ito ng mga komunista. Sosyalista umano ang konsepto ng communty pantry. Napapahalakhak kami ng malakas sa malaking kagaguhan ng gobyerno.

Sabi ni Gang Capati, isang kritiko, pati iyong mga nagbibigay ng gulay at delata, hinahahanapan ng mali, pero ipinagtatanggol ang mga EJKs, o malawakang patayan sa ilalim ng madugo ngunit bigong digmaan laban sa droga. Kailangan kuryentehin ang utak nila.

Tanda ng pag-asa ang mga community pantry. Kahit palpak ang inutil at ang kanyang gobyerno, maraming Filipino ang may ginintuang puso upang maunawaan ang kahalagahan ng kabutihang loob. (kindness). Ipinagkakaloob kung ano ang mayroon sila. Ibinabahagi na hindi umaasa ng anumang kapalit. Hindi talaga mauunawaan iyan ng mga nasa gobyerno. Iba iyan.

***

TOTOONG umikot ang mga puwet nila nang mabalitaan na painit ng painit ang damdamin ng paghihimagsik sa Sandatahang Lakas ng Filipinas. Hindi nila malaman kung totoo o hindi. Pero alam nila na marami ang hindi natutuwa sa pagiging makiling ni Duterte at grupong Davao sa China. Nais nilang kalusin ang pagmamalabis ni Duterte.

May isinulat na magandang sanaysay ang aming kaibigan na si Roly Eclevia. Basahin:

Ousting DU30 is an an act of self-defense

Will the AFP depose President Rodrigo Duterte? The rumor is not too farfetched, given the prevailing national mood. The AFP is American in training and orientation. Its history of warfare is irrevocably tied to the U.S. Armed Forces.

Mr. Duterte’s not-so-secret attempt to make the Philippines a province of China–and integrate the AFP into the People’s Liberation Army–fits the classic definition of treason.

Every military organization has its share of traitors. However, a commander in chief who betrays his troops and his people is unprecedented in history.

That is exactly the crime Mr. Duterte has committed. For the AFP to depose him is an act of patriotism and self-defense.

***

NASAKTAN si Duterte at grupong Davao na tumatangkilik sa China nang kumalat ang babala na babawiin ng AFP ang kanilang suporta kay Duterte bilang Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas kapag nagpatuloy siya sa pagsuporta sa China. Fake news daw, ayon kay Delfin Lorenza at Gen. Cirilo Sobejana, AFP chief of staff. Ngumit mukhang naisahan si Duterte. Sinadyang ikalat ang fake news umano upang bigyan ng kalatas si Duterte na hindipuede ang gusto niya.

Sabi ni Ba Ipe sa kanyang social media account: “In military parlance, the madman has been outflanked, outmaneuvered, and outwitted. The fake news that a sizable segment of the AFP would withdraw support from him as its Commander-in-Chief has put him on the defensive. If he doesn’t know and understand it, then it’s true that he is worthless and stupid as well. Nobody in his sane mind would open his cards in a basically military game. The message has been delivered to his limited mind. The madman and his ilk are kaput. They could not get out of the spider’s web.”

***

MULING lumabas si Duterte sa kanyang lungga noong Lunes ng gabi at natapos na rin sa wakas ang pananahimik sa isyu ng pananakop ng China sa ating nasasakupan sa West Philippine Sea. Wala siyang sinabi na nakakagulat sapagkat nanatili siyang duwag pagdating sa China. Aniya:

“Am addressing myself to Chinese govt, we want to remain friends, we want to share whatever it is. I am not so much interested now in fishing, I don’t think there’s so much fish to quarrel about. But if you start to mine or get whatever it is that is in the bowels of (South) China Sea, sa ating oil, diyan na ako… then by that time, I will send my grey ships there to stake a claim. Yan ang masiguro ninyo. Kapag nag-umpisa na sila ng drill on oil, sabihin ko talaga sa China, is that part of the agreement?”

Sa madali, negosyo ang nasa isip ni Duterte. Hindi niya alintana ang karangalan ng bansa. Pero sa totoo, hindi alam ni Duterte na malaki ang nakuhang likas yaman ng China sa West Philippine Sea Dahil sa kanyang kapabayaan at kawalan ng gulugod (Spine), nakakuha ang China sa lampas P800 Bilyon halaga ng isda, at ibang yaman dagat sa WPS. Kaya hindi dapat masindak sa pinagsasabi ni Duterte.

***

HINDI totoong malakas ang China. Hindi ito kasama sa mga bansang mauunlad na sumusunod sa pandaigdigang kaayusan. Isa itong bansang haragan. Ito ang bansang lumalabag sa mag batas sa copyright at patente; ito ang bansang magnanakaw ng sikreto sa insdustriya; ito ang bansang nag-hack sa maraming sistemang cyberspace sa ibang bansa.

Wala rin doktrinang military science ang China. Wala itong karanasan sa digmaan maliban sa Korean War noong 1951 at ilang digmaan sa border sa pagitan ng Vietnam, India, at Rusya. Marami silang sundalo, ngunit hindi sila kagalingan. Tanging si Rodrigo Duterte lamang ang sumasamba sa China.

***

MGA PILING SALITA: “PEOPLE of the Philippines, your president is not just a coward, but a stooge of China. He won’t stand for us, but for China.” – PL, netizen

“The lameduck is ducking, quacking! Ducking public anger. Quacking inanities. A quack president. Panggulo ng Pilipinas.” – Danny Consumido, netizen

The post Krisis ni Duterte appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Krisis ni Duterte Krisis ni Duterte Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.