Facebook

Pagtatayo ng Manila COVID-19 Field Hospital, inilunsad — Isko

PINANGUNAHAN nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pormal na paglulunsad noong Martes, Abril 20, ng “Manila COVID-19 Field Hospital,” na naghuhudyat ng pagsisimula ng konstruksyon nito sa layuning mapaluwag ang anim na city-run hospitals kung saan ang mga COVID bed allocations nito ay gagawin ng intensive care units (ICUs) para sa mga critical at severe COVID-19 cases.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing paglulunsad ay sina National Task Force against COVID-19 chief Carlito Galvez, Jr., MMDA general manager Jojo Garcia at City Engineer Armand Andres na siyang naatasan ni Moreno na itayo ang field hospital nang round-the-clock upang umabot ito sa target na simula ng operasyon na dalawang buwan mula ngayon.

Ang desisyon sa pagtatayo ng nasabing pagamutan ay bilang paghahanda sa inaasahan na panibagong surge ng COVID cases sa buwan ng June o July at dahil na rin sa punuang sitwasyon ng mga ospital sa kasalukuyan.

Kapag operational na ang field hospital ay maa-accommodate na nito ang mga pasyenteng may mild o moderate symptoms upang ang mga city-owned hospitals naman ay makakapag-focus sa mga pasyenteng nasa critical o severe cases. Ang mga pasyenteng asymptomatic naman ay dadalhin at aalagaan sa mga quarantine facilities ng lungsod.

“We will get ready five months from now or even for December. Bago pa maging huli ang lahat, naghahanda na tayo. We intend to build our seventh hospital in 60 days. Kung nagawa ng Italyano, kaya ng Pilipino,” pahayag ng tiwalang si Moreno na dinagdag pa na ginaya niya ang idea ng nasabing field hospital sa Italy.

Tiniyak ng alkalde na lahat ng serbisyo sa COVID hospital ay libre at walang bayad. Ang field hospital ay itatayo sa 2.6 ektaryang lote sa Burnham Green area sa Luneta Park harap ng Quirino Grandstand, gamit ang mga containers kung saan mayroong 336 bed capacity.

Sinabi ng alkalde na sisikapin ng pamahalaang lungsod na maa-accommodate ang mas maraming pasyente kahit na hindi taga-Maynila para mapaluwag ang mga ospital na punuan na at wala ng paglagyan ang mga pasyente.

“We would love to help everyone instead of those infected walking around tapos makikihalubilo. This is a universal problem and it has been the policy of Manila since March 2020 na ‘wag mamimili sa ganitong klaseng sitwasyon,” pahayag ni Moreno.

“Pag pinabayaan natin sila tapos papasok sa Maynila, sino mai-infect? In fact, gusto ko nga maging ‘transfer hospital’ kami para luluwag ang lahat ng ospital at mabigyan ng mas matinding proper care ang mga severe and critical patients,” paliwanag pa ng alkalde.

Pinasalamatan ni Moreno si Lacuna at lahat ng kinauukulang opisyal ng lungsod na nag-ambag ng kanilang ideas habang pinag-uusapan ang mga mahahalagang bagay-bagay sa pagtatayo ng nasabing COVID hospital, lalo’t mapaghamon ang pagtatayo nito hindi katulad ng quarantine facilities na ang tanging kailangan lamang ay airconditioning units, wifi at food. (ANDI GARCIA)

The post Pagtatayo ng Manila COVID-19 Field Hospital, inilunsad — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagtatayo ng Manila COVID-19 Field Hospital, inilunsad — Isko Pagtatayo ng Manila COVID-19 Field Hospital, inilunsad — Isko Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.