MAINIT paring pinagtatalunan ngayon ng mga duktor ang Ivermectin na sinasabing gamot sa mga hayop pero mabisa rin na panlaban sa Covid-19.
Nitong Biyernes ng umaga ay panauhin namin sa weekly forum ng National Press Club (NPC) via Zoom sina Representative Rodante Marcoleta, Dr. Iggy Agbayani ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDCP), at dating special adviser ng National Task Force Covid-19 Dr. Tony Leachon.
Si Rep. Marcoleta kasama si AnaKalusugan Rep. Mike Defensor ay madalas mamahagi ng Ivermecton sa Quezon City, isa sa mga lungsod sa National Capital Region na may pinakamaraming Covid cases. Huli silang namahagi ng 200 capsules nitong Huwebes.
Ayon kay Marcoleta, nagkakandamatay na sa Covid ang ang kanilang mga constituent kaya kailangan na nilang gumawa ng hakbang para mapigilan ang pagkasawi ng mga taga-QC. Napatunayan na aniyang ligtas at epektibo ang Ivermectin laban sa Covid. Napakarami na aniyang bansa ang gumagamit ng gamot na ito at napigilan ang paglaki ng kaso ng Covid sa naturang mga bansa sa Europa, Amerika at maging sa Russia.
Maging dito sa Pilipinas ay marami nang duktor at mga kilalang personalidad ang gumagamit ng Ivermectin at naligtas sila sa deadly Covid-19.
Ilan sa mga personalidad na gumagamit ng Ivermectin ay sina Senate President Tito Sotto at dating Senate Pres. Juan Ponce Enrile na 97 anyos na.
Kaya nagtataka si Marcoleta kung bakit ayaw bigyan ng permit ng Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin kahit sa emergency use.
Sa isang interview, sinabi ng FDA na kasalukuyan pang pinag-aaralan ng Department of Science and Technology (DOST) ang efficacy ng Ivermectin. Pinakamababa raw dito ang 6 months.
Sa loob ng anim na buwan na ito napakarami pa palang mahahawaan at mamamatay sa Covid-19. Pero sa loob din ng mga buwan na ito ay maraming maililigtas na buhay ang Ivermectin kung epektibo nga talaga ito.
Few Fridays ago, naging guest din namin sa forum sina Enrile, kanyang anak na si Katrina na ilang beses nagka-Covid, at Dr. Marivic Villa ng Florida, USA.
Sinabi ni Enrile na sa kanyang edad ay nagte-take pa siya ng Ivermectin at maganda ang kanyang pakiramdam sa gamot na ito. Ang kanyang anak na si Katrina ay 4 beses nagpositibo sa Covid at Ivermectin lang ang ginamit at kaagad gumaling.
Kaya inirerekomenda ni Enrile sa mga Covid positive na mag-take ng Ivermectin. Bukod sa mura, P35 isang kapsul, ay ligtas at epektibo ito, aniya. Nakahanda siyang humarap sa korte kung idedemanda siya ng gobyerno tutal bailable naman daw ang kasong ito. Hehehe…
Sabi naman ni Dr. Agbayani, napakarami nang pag-aaral na ginawa sa Ivermectin. Napatunayang ito’y ligtas at mabisa. Buong mundo na raw ang gumagamit nito. FDA lang ang kontra.
Ganito rin ang paliwanag ng Pinay doctor sa US na si Dra. Villa. Napakaepektibo raw ang Ivermectin vs Covid.
Pero ‘di sang-ayon si Dr. Leachon sa pagreseta at pagrekomenda sa Ivermectin. Ikakatanggal lang daw ng lisensiya niya ito. Aniya, kailangan dumaan sa 72 pag-aaral ang Ivermectin. Kapag ito’y nakapasa, doon palang niya ito irerekomenda o irereseta sa mga pasyente.
Ang Covid-19 ay sinasabing galing sa hayop. Ang Ivermectin ay ginawa para sa hayop. Therefore mabisa kontra Covid ang Ivermectin. At ang tao ay hayop din naman. Mismo!
The post Gulo sa Ivermectin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: