YAN ang sabi sa kanta ni April Boy Regino. Pero ang sa namayapang mang-aawit ang hindi niya yaka ay kung mawawala ang kanyang iniirog.
Tayo naman ay ang katwiran ng ilang basketbolista na ang sanhi ng kanilang pagtanggap na i-promote ang mga tiwaling politiko ay ang “survival” kuno.
Kung batid mo na baluktot ang gawi ng opisyal at tutulungan mo pa rin kasi binabayaran ka at may pangako pang iba ay isa kang enabler ng katiwalian.
Kung alam mo na ang kwarta na inaabot sa iyo ay galing sa masama o nakaw sa gobyerno isa kang accomplice sa kurapsyon.
Kung nakikita mo ang harapang panggagago sa mamamayan ng taong sanggang-dikit ka nguni’y tahimik ka pa rin dyan ay kasabwat ka sa kanyang panloloko.
Paano mo dedepensahan na doon ka may pakinabang kaya sa kanya ka sumasama. Na doon namamantikaan ang labi mo.
Wala ka bang matino pag-iisip? Wala ka bang ibang pagkakakitaan? Wala ka bang ipon noong iyong kasikatan?
Oks lang sa iyo pakainin ang pamilya mo na galing sa questionable na source?
Ah yun ang madaling kwarta sagot mo. Eh di may choice ka pala kaso ayaw mong mahirapan? Ganoon hindi ba?
Ayaw mong magbanat ng buto. Nais mo papetiks-petiks lamang. Pakodak-kodak lang kasama siya. Pabasketbol-basketbol lang kalaro siya. Libre pa lahat. Panggasolina, pangtsibog at minsan may panghotel pa. Bukod yan sa kakapal pa ang wallet mo. Ang dali nga naman.
Daig ka pa ng isang aktibista na kahit maralita ay may dignidad. Hindi binebenta ang prinsipyo.
Wala ka sa isang kabataan na lumalaban para sa bayan. Hindi duwag tumindig para sa katotohanan.
Lamang pa sa iyo ang isang retiradong senior citizen na pilit pinagkakasya ang pensyon nguni’t hindi takot maghayag ng pagtutol sa mga maling patakaran ng gobyerno.
Talo ka pa ng isang babae na kahit alukin ng malaking halaga ay hindi nagpapagamit sa gagong pinuno.
Sayang ka bata! Inidolo ka pa ng marami noon. Tandaan mo may katapusan ang anumang katarantaduhan.
Yung boss mo mananagot sa taong-bayan sa takdang panahon. Kasama ka niyang magbabayad sa inyong mga kasalanan sa mga Pilipino.
Huwag na huwag mo iyang kalilimutan!
***
Ire palang si Rolando Bohol na IBF flyweight champion noon ay hirap na hirap magpababa ng timbang. Umaabot siya sa 130 lbs na pang junior lightweight division na. Wala na nga raw kanin nyan pero ang laki ng dapat ibawas para sa 112 lbs. Nataon pa naman daw minsan na nasa malamig siyang bansa kaya hindi siya pinapawisan sa ensayo. Ngumunguya pa raw siya ng kahel at niluluwa ang sapal. Isang halimbawa ay noong nasa London ang depensa niya kontra kay Duke McKenzie. Natalo tuloy siya noong ika-5 ng Oktubre 1988.
Yan ay isang bahagi lang ng kwento sa atin ng dating Pinoy boxer na nakabase na ngayon sa Las Vegas. Naging piling-piling panauhin natin siya noong Lunes sa OKS@DWBL.
The post ‘Di ko kayang tanggapin! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: