Facebook

Waging national lifters at fencers, masigabong sinalubong ng PSC

BUONG lugod na sinalubong ng Philippine Sports Commission (PSC) ang national weightlifting at fencing teams sa kanilang pagbabalik mula sa produktibong qualifying tournaments sa Tashkent, Uzbekistan kamakalawa ng gabi.
“Despite the imposed lockdowns and curfews in Metro Manila, we wanted to honor our athletes who made the country proud, within boundaries of the safety protocols of course,” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.
Bagama’t nais ng sports chief ng mas magarbong pagsalubong para sa mga atleta, para sa quarantine restrictions ay isinaayos ito nang naayon sa panuntunan.
Mahigpit ang ipinatutupad na protocols sa airport bilang port of entry, kaya nag-hintay na lang ang PSC team sa driveway ng quarantine hotel drop-off at check-in point.”
Matapos ang kanilang maningning na performance sa pag-uwi ng two gold, six silver, at three bronze medals sa prestihiyosong Asian Weightlifting Championships, ang mga waging women lifters ay tatanggap ng kaukulang insentibo sa ilalim ng Republic Act No. 10699, o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.’’
Si 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ay pinormalisa ang kanyang ika-apat na pagsabak sa Olympic Games Games matapos mag-qualify sa 55kg category ng naturang kumpetisyon upang maging ika-pitong Filipino na lalahok sa Tokyo. Ang kanyang teammates na sina Vanessa Sarno, Mary Flor Diaz, Elreen Ando, at Kristel Macrohon ay nagpamalas ng impresibong performances para sa medalya naiambag para sa Pilipinas
Ang fencing team ay nakapag-uwi naman ng isang bronze medal.
Bago tumulak tungo sa Tashkent, inaprubahan ng PSC ang assistance na higit sa Php 4.9 million para sa airfare, hotel accommodation, allowances, at iba pang travel expenses para sa weightlifting team.
Inaprubahan din ang P1. 2 million financial assistance laan sa fencing nationals para sa kanilang gastusin sa kumpetisyon.(Danny Simon)

The post Waging national lifters at fencers, masigabong sinalubong ng PSC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Waging national lifters at fencers, masigabong sinalubong ng PSC Waging national lifters at fencers, masigabong sinalubong ng PSC Reviewed by misfitgympal on Abril 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.