Facebook

31 spikers dumalo sa men’s volley tryouts

NAPUNO ng spikers ang Subic Bay Gymnasium nitong Huwebes ng dumating ang 31 men’s volleyball player na nakibahagi sa national team tryouts para sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.
Dahil sa malaking contingent ang dumating sa tryouts, ang session ay hinati sa dalawa sa umaga at sa hapon.
Philippine team captain Vic de Guzman ang namuno sa pang-umagang session.
Nakilahok din sa pang-umagang session sina Mark Alfafara, Jao Umandal, JP Bugaoan, Kim Dayadante, Anthony Ekwenugo, Mark Enciso, Alche Gupiteo, Noel Kampton, Kim Malabunga, Chumson Njigha Jr., Leo Ordiales, Ish Polvorosa, Jian Matthee Salarzon, Ricky Marcos, at Manuel Sumanguid.
Samantala, dating Ateneo stars Rex Intal at Ysay Marasigan ang nanguna sa nag tryout sa hapon.
Dumalo rin sina Nico Almendras, Leo Aringo, Lloyd Josafat, Joeven dela Vega, Jack Kalingking, Louie Ramirez, John Mark Ronquillo, Kharyl Parce, Rayver Sison and Francis Saura.
“Maayos ang tryouts, una kasi batch by batch ang tryout at sobrang dami ang nag-attend. Makikita mo din na talagang gustung-gusto ng lahat na makapasok sa (The tryouts were organized properly, firstly because it was batch by batch and many attended. You will see that everyone wants to be in the) national team,” Wika ni de Guzman.de Guzman.
Siyam lang ang hindi nakarating sa tryouts, isa si Bryan Bagunas, na kinukumpleto ang 14-day quarantine matapos dumating galing sa Japan.
Matapos masungkit ang silver medal finish sa 2019 Southeast Asian Games sa Pasig, puntirya ng Pilipinas ang go for gold sa Hanoi ngayon taon.

The post 31 spikers dumalo sa men’s volley tryouts appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
31 spikers dumalo sa men’s volley tryouts 31 spikers dumalo sa men’s volley tryouts Reviewed by misfitgympal on Abril 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.