Facebook

2 patay, 1 grabe sa vehicular accident sa Maguindanao

NASAWI ang dalawa katao at isa ang malubhang nasugatan sa vehicular crash sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang mga nasawi na sina Erwin Jhon Ulobalang Usman, 34 anyos, driver ng motorsiklo; at Darwin Ulobalang Usman, 20, mga residente ng Barangay Tinunggos, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Sugatan naman si Aie Aie Canilio Timay, 32, ng Brgy. Bagoinged, Datu Odin Sinsuat.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat Police Investigator Staff Sergeant Suweren Magkong, lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo at pagsapit nito sa Sitio Daiwan, Barangay Tanuel ay nagtangka itong mag-overtake sa isang dumptruck ngunit may nakasalubong na Hilux pick-up. Nang akmang bumabalik sa kanyang lugar ang motorsiklo ay nasagi ito ng dump truck hanggang sa makaladkad ang mga biktima. Dead on the spot ang dalawa. Naisugod naman sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) si Timay na nasa malubhang kalagayan.

The post 2 patay, 1 grabe sa vehicular accident sa Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay, 1 grabe sa vehicular accident sa Maguindanao 2 patay, 1 grabe sa vehicular accident sa Maguindanao Reviewed by misfitgympal on Abril 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.