Facebook

2 patay sa banggaan ng motorsiklo

PATAY ang dalawang rider nang magbanggaan ang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Millan, Sibunag, Guimaras, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jason Miague, 28 anyos; at Jeremias Galve, 29, kapwa nakatira sa lugar.
Sa ulat, nag-overtake si Miague sa isang sasakyan at nagkataon na nakasalubong niya si Galve. Sa lakas ng banggaan ay tumilapon sa kalsada ang dalawang rider.
Kaagad na dinala sa ospital ang dalawa pero idineklara silang dead-on-arrival ng doktor.
Walang suot na helmet ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

The post 2 patay sa banggaan ng motorsiklo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay sa banggaan ng motorsiklo 2 patay sa banggaan ng motorsiklo Reviewed by misfitgympal on Abril 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.