Facebook

Lider ng sindikato, 7 pa timbog sa drug bust

TIMBOG ang isang itinuturong lider ng sindikato at 7 iba pa sa isang drug-bust operation sa Barangay Visayan Village sa Tagum City, Davao del Norte, Lunes ng gabi.
Kinilala ang lider na si Marlon Maurillo.
Ayon sa ulat, pinuno si Maurillo ng “Kaparas Gang” na ang dating pangalan ay “Sukarap Gang” na sangkot sa mga pagnanakaw, cellphone snatching at pananaksak sa lungsod.
Arestado rin ang isang babae at 6 pang kalalakihan nang mahuli ng mga operatiba na gumagamit ng shabu.
Nakuha sa kanila ang apat na pakete ng shabu at sampung nabuksan na pakete ng droga.

The post Lider ng sindikato, 7 pa timbog sa drug bust appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lider ng sindikato, 7 pa timbog sa drug bust Lider ng sindikato, 7 pa timbog sa drug bust Reviewed by misfitgympal on Abril 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.